Chapter 49 "Sinadya kong agahan pumasok at pinuntahan si Nissa sa bago nitong tinitirhan para makaiwas kay Sir. Finn dahil naiinis talaga ako sa ugali nitong hindi maintindihan ngunit sakto namang kasama din pala nito si Mama at sina Sir. Jordan kaya lalong napabilis ang pasok ko sa bahay ng kaibigan. "Oh, ang aga pa huh, excited kang pumasok nakangiti kong biro kay Shailo at humila ng ma-uupoan nito. Wala akong Motor Sir. Kaya inagahan ko hindi kasi tulad dito kay Nissa na malapit lang sa trabaho. "Ikaw talaga Mare Sir. Pa din ang tawag mo sa'kin magkumpare na nga tayo siguro ay kailangan ko ding buntisin si Nissa para matawag mo talaga akong kumpare. Hinila ko ang tenga ni Jordan at nahihiya sa pinagsasabi nito dahil nasa tabi lang namin sina Tita Sharon at mga bata. Maiba tayo al

