Chapter 4

1828 Words
Blaire's POV Ilang araw na ang lumipas simula nung nagkasagutan kaming dalawa. At isa lang ang masasabi ko, wala akong pakialam. Ano naman ngayon? Eh, sanay na ako sa treatment naming ganito. "Mukhang may problema ata si Queen..." Rinig kong sabi ni Aeya. "I agree! Kasi kanina niya pa minumurder yung hotdog niya" Alex. "Kailan pa nagkaroon ng hotdog si Blaire?" Tanong ni Aya.   *pak*   "Aray naman Alex! Parang nagtatanong lang eh! Nanapak agad?!" Sabi ni Aya at saka hinihimas niya yung balikat niyang hinampas ni Alex. Pero inirapan lang siya ni Alex. "So, Blaire, what happened to you? These past few days napansin naming todo iwas ka kay King. Anong bang nangyayari sa inyong dalawa? May namamagitan ba sa inyo? Nag-away ba kayo?" Itanong mo dun sa lalakeng yun tsk. Siya lang naman yung may problema samin. "Kayo ba?" Alex said. Mag-asawa kami Alex. Kung pwede lang sana sabihin yang mga katagang yan, matagal ko ng sinabi para matulungan nila ako sa problema kong ito. Pero alam kong darating din ang tamang panahon na kailangan din nilang malaman yung tungkol sa amin. Siguro sa ngayon wag muna kasi napaka-kumplikado pa ng sitwasyon namin. "Ano ba yang pinagsasabi niyo? Syempre iniiwasan ko siya dahil ayaw ko sakanya!" Sabi ko sakanila. Sana bumenta yung palusot kong iyon. Napaiwas naman ako ng tingin nang tignan ako ni Aya sa mga mata ko. "Yun lang ba talaga?" Usisa sakin ni Aya na pamay halong pagdududa. Yung dalawa naman nakatingin lang sakin kung anong isasagot ko. Sorry girls, pero sa ngayon ililihim ko muna ito sainyo . "Oo nga! Ang kulit niyo!" Sabi ko nalang dahil ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Zac. "Okay, sabi mo eh! " Sabi  ni Alex. "Pero h'wag mong kalimutan na kahit anong mangyari, nandito kami lagi sa tabi mo at handang tumulong..." Napangiti naman ako dahil sa sinabii ni Aeya. Ang swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko sila. Kung wala sila, walang Blaire na matapang at marunong magtanggol sa sarili niya ngayon. Kasi simula nung nakilala ko sila, natuto akong lumaban para sa sarili ko. Kasi yun ang sabi nila sa akin. Pero unti-unti naman akong kinakain ng konsensya ko dahil sa ginagawa kong pagtago sa kung anong meron sa amin ni Zac. Pero alam ko namang maiintindihan din nila ako. "What are friends for? Hahaha" Sabin i Aya. Napuno naman ng tawanan yung table namin dahil sa sinabi ni Aya. Tama nga naman yung sinabi niya. Aanhin mo ang pagkakaibigan niyo kung hindi niyo  naman tutulungan ang isa't-isa. ------ Natapos na yung first period namin at kasalukuyan kaming nagbibihis para sa PE period namin. Dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng tubig at nang pagkain, Dahil tatlong oras din yung PE namin at sulit  din naman dahil once a week lang at every friday lang yung PE class namin. Dumiretso na kaagad kami sa gym at nilagay yung mga binili namin sa bag. Kasalukuyan kaming nakikinig sa binibigay na instructions ng  sir samin. Ang unang lalaruin ay basketball, tinawag na ni sir yung mga players ng bawat section. Sa section namin sina Zac, Nathan, Nick, Toby, at Mark yung maglalaro.  Kung ikukumpara sa kabilang team, mas lamang yung section namin kasi kasali silang lahat sa basketball team at si Zac lang naman yung Captain ng basketball team sa school namin. Nagsimula na yung laro at ang nagjump ball ay si Nathan at Mario. Napunta yung bola sa kabilang team dahil nahuli ng talon si Nathan, pero naagaw naman agad ito ni Toby at ipinasa kay Zac. Nagdribble muna si Zac at dahil dalawang tao ang nakabantay sakanya,  ipinasa niya ito kay Nick na kasalukuyang walang nakabantay. Nakuha naman ito ni Nick at ayun, pasok! "2 points from 4A!" Sigaw nung announcer na kinuha ni sir galling sa section C. Ang taray nga dahil meron pa talagang announcer, parang liga lang. Nasa kalaban yung bola at si Mark ang kaharap nito. Dahil busy ito sa pag dribble hindi niya namalayang nasteal ni Zac yung bola at saktong walang masyadong bantay kaya nashoot niya kaagad ito. "3 points Santiago!" Nagpalakpakan naman kaagad kami at meron pa ngang sumisigaw galling sa kabilang section. Nung 2nd quarter, malapit na silang maunahan ng score pero nakabawi din naman kaagad sila at ngayong 3rd quarter na, sila parin yung leading. Naging maayos naman yung laro nila pero yung kabilang team parang nasa wisyo na sila at todo score ang bawat isa sa kanila. Makikita mo sa kanila yung tensyon, dahil sa tie nilang score at 4th quarter na. Dalawang minuto nalang bago magtime, 68-68 yung score. Si Zac yung may hawak ng bola at makikita mong hirap siyang makatakas sa bantay niya, kaya nung nakita niyang pabor kay Mark yung bola, ipinasa niya kaagad dito. Dribble lang siya ng dribble, hindi niya rin magawang e shoot yung bola kasi ang higpit ng bantay niya kaya pinasa niya ito kay Nick. Pinasa naman ito ni Nick kay Nathan. At parang nililito lang nila yung kalaban dahil sa ginagawa nila, at nung nakapwesto na si Zac, ipinasa naman kaagad ni Nathan kay Zac ang bola at ayun pasok! "3 points from Santiago!"   "Wooooh! Kaya niyo yan Zac"   "4A laban lang!" "4B kaya niyo yan!"   Nasa kalaban yung bola pero naagaw naman kaagad ito ni Mario at ayun pasok! Nakita ko  kung paano umigting ang panga ni Nathan dahil nalusutan siya nung kalaban.   "Marioooo ang galing mo!"   "Marioooo mylabs!"   "15 seconds to shoot!"   15 seconds nalang yung natitira bago magtime, at nasa kalaban yung bola. Na e-shoot naman ito ng kabilang team kaya 73-70 ang score.   "9 seconds to shoot!" Si Zac yung may hawak ng bola, at para bang sinasadya niyang patayin yung oras dahil sa ginagawa niyang pagdribble at hanggang sa----   *prrrrrrrrtttttttttttt*   "The winner is 4A!" Napuno naman ng hiyawan ang buong gym. Ewan ko ba kung namamalikmata lang ba ako, kasi nakita ko na nakatingin si Zac sakin. Sumunod naman kaagad yung dalawang team  pagkatapos nila at hindi ko na ikwekwento kasi wala naman akong kilala ni isa sakanila. "We can do this girls!" Pagchecheer up ko sakanila, kasi kami ang lalaban sa section namin for volleyball. Ako, Aeya, Aya, Alex, Sam, Kate, yung first six. Nagtoss coin naman kami at yung pinili ko ay bola dahil kami yung nanalo. Nagsmirk naman sakin si Jane (yung malanding babae) at syempre papatalo ba ako? Kaya ginantihan ko rin siya.   Si Alex yung unang nagserve at nakuha naman ng kalaban at nagspike sila papunta samin. Buti nalang nakuha ito ni Kate at binigay kay Aya at sinet niya sakin, pinalo ko naman ito kaagad at saktong tumama yung bola sa may bandang leeg ni Jane. Nginisihan ko naman siya, inis niya naman akong tinignan. Nginitian ko nalang siya ng isang mapang-asar na ngiti.  Anong akala mo sakin magpapatalo sayo?  Tsk asa!  Nagserve ulit si Alex at nakuha ito ng kalaban at nagspike si Jane, kung sweswertehin ka nga naman line ball pa! Nginisihan niya naman ako dahil nakascore siya. Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo. Kada set ng bola sakin, ay kay Jane ko lagi ito tinatarget at lagi naman itong sapol sakanya. Pero nainis ko ata ang bruha dahil bigla niya nalang inihagis ang bola samin at sinugod ako.   "What's your problem?!" Nanggagaliiti niyang sabi at tinulak niya ako. Bahagya naman akong napaatras dahil hindi ko  inaasahang gagawin niya iyon. Napasinghap naman kaagad yung mga taong nasa gym dahil sa ginawa niya. Kunwaring pinagpag ko yung damit kong nahawakan niya para mas lalong mainis siya, at nagtagumpay naman ako dahil nakita ko kung paanos siya mas nainis dahil sa ginawa ko. I just smirked at her. "Wala naman akong problema ah, baka ikaw meron?" Simple kong sabi sakanya at kulang nalang yata, maging kamatis na yung mukha niya sa sobrang pula nito dahil sa inis na nararamdaman niya. "Halata namang sinadya mong ipatama sa kanya yung bola!" Sino ba ‘tong babaeng ‘to? Basta ang alam ko, kasama siya ni Jane. Oh well, sinusubukan talaga nila ako. "C'mon it's just a game. Alam niya naman siguro na matatamaan siya, bakit hindi siya umilag?" Akmang susugurin na sana ako ni Jane pero pumagitna agad yung apat na lalake. Buti nalang talaga lumabas si Sir dahil pinatawag siya sa Dean's Office. Kundi lagot kami. "That's enough." Malamig na sabi ni Zac. Napairap naman ako dahil sa inasta niya tsk. Feeling hero, eh? "Pero Zac ! Siya yung nauna dapat siya---" Palambing na sabi nung bruha. "I said enough!" Nagulat naman siya dahil sa ginawang pagsigaw ni Zac. Buti nga sayo. "And you! Let's talk" Sabi niya sakin habang nakaturo ang kanyang hinntuturo,. Bago pa man ako makapagreact, hila-hila niya na ako. Hindi pala hila, kaladkad na pala. "Aray naman Zac! Dahan-dahan naman! Mawawalan ako ng kamay sa ginagawa mo eh!" Sigaw ko sakanya, at saktong tumigil naman kami dito sa likod ng gym at binitawan niya na yung kamay ko. Chansing yun pre ah! Chansing! "Ano bang problema mo ha! Ba’t mo ba ako dinala dito?!" Sa ilang araw na pag-iwas ko sakanya,  pati sa bahay iniiwasan ko siya. Tapos ngayon, kung umasta siya parang walang nangyaring sagutan. Tapos ngayon, hihilahin niya lang ako basta-basta?! "Pwede ba Queen tumahimik ka nga muna!" Ay tangina. Sinigawan pa ako! "Aba't! Nagawa mo pa talaga akong sigawan ha?!" Nakakapikon kang lalakeng ka ah. "Argh! Just please, shut your mouth for a moment!" Aba! Ang magaling na hari, marunong din palang makiusap! Osya! Sige. Pagbibigyan kita. "Look I'm sorry, Wag mo naman akong iwasan oh!" "Aba't loko--" Hindi ko pa natatapos yung dapat na sasabihin ko, kasi pinandilatan niya kaagad ako kaya nanahimik nalang ako. "Ang hirap kasi. Iniiwasan mo ako at alam ko namang kasalanan ko yun. Kaya.... I'm here to apologize and I want to fix our relationship..." Teka seryoso ba siya? Napatawa naman ako ng mahina pero agad din akong nagseryoso nung tinignan niya ako sa mga mata ko. "I'm damn serious Blaire! Just please give me a chance..." Malimanay niyang sabi.  Alam kong galit ako sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin noon, pero hindi ko naman maitatago habang buhay na may nararamdaman talaga ako sakanya. Alam kong napakaunpredictable niyang tao. Pero ewan ko ba bakit nagkagusto ako sa lalakeng yan.  Siguro dahil na din sa palagi ko siyang nakikita sa bahay at sa katotohanang kasal na kami kaya unti-unti na akong nahuhulog na hindi ko man lang namamalayan. At sino pa ba ako para tumanggi? Siguro chance narin namin  ito para maramdaman ko yung pagmamahal ng isang asawa. Kahit alam kong wala itong kasiguraduhan. Gaya nga ng sabi niya, aayusin niya pa yung relasyon namin.  Hindi niya sinabing mamahalin niya ako. Siguro tama din itong desisyong gagawin ko. "Okay, I'll give you a chance." Sabi ko at umalis na kami kaagad sa lugar na yun at pumasok ulit sa gym na para bang walang nangyaring usapan. Siguro sa ngayon, uunahin muna naming ayusin yung relasyon namin bago namin ipaalam sa iba. Hindi naman sa umaasa ako pero merong parte sa isip ko na sana maayos yung relasyong meron kami para maging maayos na ang lahat. Dahil ngayon pa nga lang magulo na yung sitwasyon namin. Pano pa kaya sa mga susunod na araw? Pero sabi nga nila, walang problemang hindi nalalagpasan at syempre with the help of God.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD