Blaire's POV Na-stress ako dahil sa nangyari kanina ah! Hindi na ako magtataka kung sa susunod eh, magpatayan na yang dalawang yan. Pero sana huwag naman sanang umabot sa ganun. Pwede naman nilang pag-usapan kung anong problema nilasa isa’t-isa. Dahil sa nangyari kanina, nakalibre tuloy ako ng lunch kay Alex. Yung kambal naman, ayun nag-aalburuto dahil unfair daw. "Alex naman eh! Ang daya mo! Ba’t si Blaire lang yung nilibre mo!" Pagmamaktol ni Aya. "Oo nga!" Pagsang-ayon naman ng kakambal niya. Napailing nalang kaming dalawa ni Alex dahil umandar na naman ang pagka-isip bata ng kambal. "Sindakin niyo muna ako gaya ng ginawa sakin ni Blaire para malibre ko kayo hahaha!" Loka-loka talaga ‘tong babaeng ‘to nakatikim tuloy ng batok galing sa kambal. "Aray naman! Hindi ko talaga kayo ilil

