Aeya's POV "Where's Aya and Nathan?" Ba’t nakatingin sakin tong isang ‘to? "Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?" Balik kong tanong sakanya. "Parang" Agad ko naman siya hinampas at siya todo sangga naman sa bawat hampas ko. "Tumigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata" Saway samin ni Toby. Ewan ko ba kung bakit naging ganito kami. Siguro dahil dun sa nakita ko siyang may kausap na babae dun sa lugar nila Zac. Wagas kasi kung makangiti itong lalakengto dun sa babae. Syempre yung babae magpapakipot talaga. Tsk! "Ano bang problema mo?" Tanong niya sakin at sinabayan niya akong maglakad pero di ko siya pinansin. "Oy! Ano ba kasi?" Bahala ka. "Ano ba kasing problema mo? Ang arte-arte mo naman" Inis ko naman siyang hinarap at parang nagulat naman yung loko dahil sa biglang pa

