Blaire's POV Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa kakaiyak ko di ko namalayan na nakatulog na ako, at ngayon sobrang namumugto ang mga mata ko. Kumuha ako ng ice cube at nilagay ito sa ice bag. Marahan kong dinadampi ito sa mga mata ko. Kumuha ako ng cereal at saka fresh milk para sa almusal ko. Wala akong ganang magluto kaya eto na lang. Habang kumakain ako, biglang tumunog yung phone ko. Tumayo ako para kunin eto sa sala at nakita kong si Aya yung caller. "Napatawag ka?" Tanong ko. "Tumawag sakin si Nathan, sinabi niyang lasing na lasing si Zac. Naihatid naman daw nila ito ng maayos" "Oh tapos?" Ba’t ba yun yung nasabi ko? "Gaga! Pumunta ka sa bahay niyo at alagaan mo siya. Mag explain ka baka sakaling maging okay na kayo ngayong araw baka umeksena na n

