Chapter Five

4952 Words
Ang maingay na tunog ng ilang aparato ang nagpabalik sa diwa niya. Sa sobrang tahimik ng paligid ay tila ba nakakabingi na iyon sa kanya. At nang bumiling siya, he just saw her innocent and angelic face. Narito ngayon sa tabi niya ang dalaga. Mahimbing na ang tulog habang nakapangalumbaba sa tagiliran niya at mahigpit na hawak ang kanyang kamay. Base sa itsura nito, sigurado siyang wala na naman itong tigil sa pag-iyak kanina. Magang-maga kasi ang mga mata nito at namumula pa ang tungki ng ilong. Bumangon siya at tinanggal na ang nakakabit na oxygen. "Riel...gising ka na."nagulat pa siya nang bigla itong magsalita. Nagising na rin pala ito. "Teka, tatawagin ko si tita Venice."wika nito na tumayo at tatalikod na sana pero pinigil niya ito sa pag-alis. Hindi niya binitiwan ang kamay nito. "Riel, lalabas lang ako. Tatawagin ko si tita-" "Just stay."ikling tugon niya. "Riel."untag nito sa kanya. Hindi siya umimik sa halip ay hinila niya ang dalaga paupo sa hospital bed niya. "T-tumawag ka ba kay mama?"nakita niyang umiling-iling ang dalaga at ngayon parang maiiyak na naman ito. "Good. Ayokong malaman nila na narito ako ngayon sa ospital. Mag-aalala na naman iyon." "Sinabihan ko na rin si tita Venice na huwag munang ipaalam kay mama at kay dad."she said. Maya-maya ay inabot niya ang mukha nito at iginiya paharap sa kanya. "Why are you crying?"sa sinabi niya ay mas lalo lang umiyak ang dalaga. "Hey, Xianna. Hindi pa naman ako mamamatay bakit kuntodo iyak ka na diyan."pinilit niyang magbiro pero ayaw pa rin itong tumigil sa pag-iyak kaya niyakap na lang niya. "Di ba promise ko sayo noon, that I won't die soon?"he almost whispered those words. "Yeah, p-pero sa ginawa ko, muntik na kitang mapahamak Riel."humihikbi pa ring saad nito. "Bakit? Ano ba ang ginawa mo?" "K-kasalanan ko naman talaga ang nangyari kanina. Sinadya ko talaga na buhusan ng juice ang lalaking iyon kanina para magalit siya. Para kapag ganun aawayin niya ako at malalaman mo 'yon. Alam ko kasing sisiga-siga iyon dito sa school."nakuyom na lang niya ang kamao at muli nagtagis ang kanyang bagang sa narinig. "Bakit, ano ba ang dahilan mo at ginawa mo 'yon?" "I missed you, Riel. H-hindi mo na kasi ako kinakausap kaya ginawa ko 'yon para mapansin mo." "Pa'no kung hindi ako pumunta dun, ha? Ano ba sa tingin mo ang gagawin nila sayo?"humulagpos na naman ang galit sa kanyang boses ng sabihin iyon. Ang totoo naman pala ay siya ang may kasalanan. "Pero, dumating ka naman eh." "Next time, huwag mo na ulit subukan na gawin iyon."matigas niyang sabi. Naramdaman niyang bumitiw ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha nito. "Yes. Pero dapat mangako ka muna sa akin na hindi mo na ako iiwasan." "Oo na."sagot niya na lang na nakipag-pinky finger sa dalaga. "Thank you, Riel."tuwang yumakap ito muli sa kanya. Tinapik-tapik niya na lang ang balikat nito. Maya-maya ay bumaba ang ulo nito papunta sa kanyang dibdib. "Hoy, Xianna? Ano ang ginagawa mo?"nanlalaki ang mga matang tanong niya. "Ssshh...Huwag kang maingay. Pinapakinggan ko lang naman ang t***k ng puso mo."pasimpleng saad nito na idinikit pa ang tenga sa kanyang dibdib. "Xianna..." Oo, sa mga oras na 'yon mas lalo lang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at napakinggan iyon ni Xianna. Sa sobrang bilis, tila ba naroon na naman ang pakiramdam na parang sasabog na ang kanyang dibdib. At ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ay di niya mapigilan. "Ang lakas ng pintig ng puso mo, Riel. Dapat magpahinga ka muna."maya-maya ay sabi nito. "No. Umuwi na tayo, Xianna. Sa bahay na lang ako magpapahinga."sansala niya rito. "Pero, ang puso mo malakas at mabilis pa rin ang pagpintig, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." "No. I'm okay now."giit niya. "Talaga?" "Oo nga."talagang ang kulit lang din nito. "Talagang-talaga?"tanong nito na ikinulong ang magkabila niyang pisngi ng mga maiinit na palad ng dalaga. "Pero, bakit namumula ang mukha mo? May allergy ka ba?"muntik niya na talagang kutusan ang dalaga sa naging tanong nito. "Sa susunod, tatanungin ko na lang si tita Venice."dagdag pa nito. Napasimangot na lang siya na tinanggal ang mga kamay ng dalaga. Ang mga alaalang iyon, kailanma'y di niya malilimutan. Sa tagal na naging parte ng buhay niya si Xianna, alam niyang mahirap makamove-on lalo na ang pagkawala nito ay kagagawan ng masasama ang loob. Talagang hindi niya mapapatawad ang mga taong iyon. Isinumpa niya na iyon sa sarili na magbabayad sila. Isang nakabibinging sampal ang dumapo sa mukha ni Xianna dahilan para mapasubsob siya sa sahig. "Saan ka na naman galing ha?! Di ba sinabi ko na sayo na huwag mo ng puntahan ang lalaki mo! Paano kapag nakita ka niya?"nanggigil na saad ng lalaki. Hindi pa nakuntento at nilapitan pa ang dalaga at mariing hinawakan ang kanyang mukha at dinuro-duro. Tanging tahimik na pag-iyak lang ang naging tugon ng dalaga. "Di ba sabi ko sayo na huwag kang mag-alala dahil hindi ka pa naman ipinagpapalit ng lalaking iyon. Patay na patay pa rin 'yon sayo! Ang trabahong ipinapagawa ko ang gawin mo! Naiintindihan mo, Xianna? Kapag pumalpak ka hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang ulo ng lalaki mo?! Tandaan mo iyan!"mahabang litanya nito sa kanya sa nanlilisik na mga mata. Tinadyakan pa siya ng lalaki bago lumabas sa kanyang silid. Pagkalabas nito ay narinig niya ang mahinang click sa labas ibig sabihin, tatlong araw na naman siyang ikukulong nito sa madilim na silid na 'yon. Dahan-dahan siyang napaupo at niyakap ang sarili. Nahaplos niya rin ang namamanhid pang mga pisngi. Sa madilim na sulok na iyon, naroon siya. Sa loob ng dalawang taon kapiling niya ang demonyong lalaking minsan ay itinuring niyang ama. Pero ngayon, ito ang sumira sa buong pagkatao niya. Sana pala hindi na lang siya sumama sa mga magulang ni Riel noong ampunin siya noon. Hindi sana magkakaganito ang lahat. Sana hindi na lang siya nangarap ng isang masayang pamilya, hindi sana siya nasadlak ngayon sa ganitong sitwasyon. Si Richard Ramirez, 50 years old at Helen na asawa nito, di niya malilimutan ang pangalan at mga mukha ng dalawa. Ang mag-asawang ito ang unang umampon sa kanya noong one year old pa siya. Naibalik lang siya sa ampunan nang pagmalupitan siya ng mga ito. At ngayon matinding pangba-blackmail na naman ang ginawa ng mag-asawa sa kanya. "Hi."tipid na bati ng dalaga sa kanya. Umangat ang kanyang mukha and he saw Elise leaning down to his table sa emergency room. 4 am na ng madaling araw kaya konti na lang ang pasyente. "Oh, hi Elise."simpleng sagot niya at muling ibinalik ang atensyon sa papel na binabasa. "Busy?"tanong nito. "Yup. Maya-maya magra-round ako sa mga pasyente ko."tugon niya na di man lang tumitingin sa mukha ng kausap. "You want a coffee?"she asked again. "No. Hindi kasi ako nagkakape."saad niya. This time nakatingin na siya sa mukha ni Elise. And their eyes locked for a moment. "Wow, ang lagkit ng tinginan ah?" Isang tikhim mula sa likuran ni Elise ang kanilang narinig. "Riu, andito ka na pala."pasimpleng saad ng dalaga na ngumiti pa sa papalapit na binata. Pinagmasdan lang ni Riel ang kilos nito. Mula noon hanggang ngayon wala pa rin namang pinagbago si Elise. Ang tanging bago lang ay palagi na silang magkasama ngayon and they talk more about their field. "Tara, kain tayo. Nagugutom na ako, eh."dinig niyang biglang reklamo ni Riu habang himas-himas ang tiyan. "Tama, gutom na rin ako."sagot naman ni Elise. "Tayo na dyan, Riel. Kumain muna tayo."anyaya ng binata sa kanya. "No. Kayo na lang ang kumain. A few minutes, mag-a-out na rin naman ako. Sa bahay na lang ako kakain."litanya niya. "Okay, bahala ka. Talagang di kita dadalhan ng pagkain pag nagutom ka."asar ni Riu sa kanya. "Ayos lang. Masarap naman ang luto ng mama ko."ganting sagot niya. "Tayo na, Elise. Iwan na natin siya."sabi nito na agad na hinila ang dalaga paalis. Nasundan na lang niya ng tingin ang dalawa. Magkakasama silang tatlo ngayon bilang intern sa ospital na pagmamay-ari ng tita Venice niya. Ang totoo wala lang talaga siyang ganang kumain. Ang gusto niya makauwi na siya ng bahay upang makapagpahinga. Napagod rin kasi siya sa dami ng pasyente kanina, 36 hours pa ang duty niya. Sa palagay niya mabuti na rin iyon upang kahit na minsan ay makatulog siya. Simula kasi ng mawala si Xianna madalang na lang na nakakatulog siya ng mahimbing. Mas madalas niya itong napapanaginipan, umiiyak at nakatitig lang sa kanya tapos ay maglalakad palayo hanggang sa mawala ito ng parang bula. "Riel, andito ka na pala."untag sa kanya ng mama niya. Napapitlag pa siya nang bigla itong tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama at yakapin ng ina. Narito siya ngayon sa silid ni Xianna, dito kaagad siya dumiretso pagkagaling ng ospital. Hanggang sa hindi niya na mapigilan ang paghagulhol habang mahigpit na hawak ang puting teddy bear na paborito ni Xianna. Ang totoo kanya ang teddy bear na 'yon, inangkin lang iyon ni Xianna noong operahan siya sa puso back when he was six. Hindi na iyon isinauli ng dalaga sa kanya dahil hindi pa rin naman daw siya magaling. "Hush, baby..."pang-aalo sa kanya ng ina. "Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa kanya kaya sana tigilan mo na ang pagsisi sa sarili."wika ng mama niya na hinaplos-haplos ang kanyang likuran. "Ma, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Sabi mo, dapat mamuhay ako ng normal, magtapos ako ng pag-aaral dahil iyon ang gustong makita ni Xianna. Pero bakit pakiramdam ko mali ang lahat ng ito. Alam kong nahihirapan siya ngayon. Hirap na hirap siya ma, iyon ang palagi kong nakikita sa mga panaginip ko. Gusto niyang tumakas pero di niya magawa. Kailangan tayo ni Xianna, ma."patuloy niyang iyak na usal sa mama niya. "Huwag kang mag-alala, hindi kami titigil ng papa mo na alamin kung sino ang kumidnap sa inyo noon at kung bakit ikaw lang ang pinakawalan nila." "Ma, dalawang taon na. Dalawang taon na siyang pinapahirapan ma. Baka sa puntong ito ay gustuhin niya ring sumuko." "No, baby. Matatag at matapang si Xianna, she will hold on. Hihintayin niya tayo na mahanap siya." "S-sana nga, ma."naiusal na lang niya. Alam niyang gahibla na lang ang pinanghahawakan nila na maayos at lumalaban pa rin ngayon si Xianna. Pero di pa rin niya maiwasang huwag mangamba na baka ang gahiblang pag-asa niya ay tuluyan nang maputol at maglaho. Naramdaman niya na tinuyo ng mama niya ang naglandas na mga luha mula sa kanyang pisngi. Umagang-umaga at heto umiiyak siya. Alam niyang di magugustuhan ng dalaga na makita siyang ganito, pero napakahina niya para mapigilan ang sarili na iwasan ang pakiramdam na iyon. "Magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka na naman."wika ng mama niya na iginiya siya pahiga sa kama. "Sige alis na ako."paalam nito. "Opo ma."tugon niyang ipinikit na ang mga mata. Nakasanayan na niyang dito magpahinga sa silid ng dalaga pagkagaling ng trabaho lalo na kapag nami-miss niya ito. May mga gabi ring natatagpuan niya ang sarili na naglalakad patungo sa silid ng dalaga matapos ang mga nakakatakot niyang panaginip. Ganito ang ginagawa upang maibsan man lang ang pangungulila kay Xianna. At ngayon muli na namang naglakbay ang kanyang diwa pabalik sa nakaraan. Sa nakaraan na nais niyang balikan kung saan kapiling pa niya ang dalaga. ... Tatlong katok ang ginawa niya sa pintuan ng dalaga bago iyon bumukas. "Riel."dinig niyang sambit nito sa pangalan niya. Hindi siya umimik sa halip ay pumasok siya sa loob. Pinagmasdan ang kabuuan ng silid nito. "Sandali lang. Mag-aayos lang ako ng gamit."salita nito na kinuha ang bag. Siya naman pasimpleng naupo sa kama nito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"tanong nito habang inaayos ang gamit sa bag. "I'm not okay."simpleng sagot niya. "Ha?"gulat nitong sambit na tiningnan siya. Tinitigan niya rin ang dalaga. And in a moment he just find himself staring at her beautiful face. Hanggang dumako ang kanyang mga tingin sa malalambot nitong labi down to her neck. "Teka, may masakit ba sayo? Sigurado ka bang kaya mo ngayon pumasok ng school?"nag-aalalang tanong nito sa kanya. Nilapitan pa siya ng dalaga at hinaplos ang kanyang noo. "Mabuti naman wala kang lagnat."wika nito. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya nang bigla niya na lang hilahin ang kamay ng dalaga nang aktong patalikod na ito sa kanya. "Riel!"nanlalaki ang mga matang tinitigan siya ng dalaga pilit hinihila ang kamay nitong hawak niya pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ng dalaga. "Hoy, ano ba? Sinapian ka ba ng multo?"tanong nito na di naman niya tinugon. Pilit pa rin nitong hinihila ang kamay na hawak niya. "Riel, bitiwan mo nga ako. Mali-late tayo sa ginagawa mo eh?" Muntik ng matumba ang dalaga sa biglaan niyang pagbitaw sa kamay nito. "Riel, naman! Tingnan mo muntik na akong-"natigil sa pagsasalita si Xianna kasi bigla na lang siyang tumayo at dahan-dahang lumapit sa dalaga with his serious face. "Hoy, ano ba ang nangyayari sa'yo?"natatarantang tanong nito na unti-unting napaatras. At mas lalo pang napaatras si Xianna hanggang sa masukol na niya ito sa closet. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya na para bang nakikipagpaligsahan. He knew his glare to her made his fierce eyes. "T-teka, a-ano ba ang balak mong gawin?"nauutal ng tanong ni Xianna. He trapped her in between his arms. Kay lapit na ng mukha niya sa dalaga. He could smell her sweet scent na mas lalong nagpatuliro sa kanyang katinuan. Ang bango kasi ni Xianna, it smells like a sweet innocent baby at kay sarap amuyin. Mas lalo pang inilapit ni Riel ang mukha sa dalaga hanggang gahibla na lang ang pagitan sa kanila. "D-don't...you dare, Riel. Sisigaw talaga ako."dinig niyang wika nito habang napapapikit. And making that gesture made him wants more. "Tss."he smirked. Natutuwa siyang pagmasdan ang reaksiyon ng dalaga. "H-hindi talaga ako nagbibiro."banta pa nito sa kanya. "Then, let me hear your scream."he said sabay kabig sa batok nito. He felt her stiffened as what he did. Hindi naman niya ito hinalikan sa labi. Sa halip naglakbay ang mapanudyo niyang dila sa leeg ng dalaga. He's intimately licking and sucking her beautiful neck. "R-Riel...s-stop it!"saway nito subalit para lang siyang binging nagpatuloy sa ginagawa. Sa halip na tumigil ay mas lalo pa niyang sinipsip ang leeg nito and gently biting it. Yeah, para na siyang bampira sa ginagawa but he really likes the feeling sucking her beautiful neck. Maya-maya ay tinulak siya nito pero di man lang siya nagpatinag. Sa halip na tumigil ay mas lalo pa niyang diniinan ang paghalik sa leeg nito. At talagang hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang mahina at pigil na pag-ungol ng dalaga. Hanggang sa maramdaman niyang nangunyapit na sa kanyang batok ang mga kamay nito. Alam niyang nagugustuhan na ni Xianna ang ginagawa niya kaya bago pa siya madarang ay itinigil niya na ang ginagawa. "Then, where's your scream, Xianna?"nakangising tanong niya rito. "I-ikaw..."honestly, kasing pula na ng kamatis ang mukha nito. Dahil sa panunukso niya kaya tuloy nanggagalaiting inapakan nito ang paa niya dahilan para mapabitaw siya sa dalaga. "Ouch! Ang sakit nun, Xianna." "Masakit, talaga! Iyan ang bagay sa'yo! Bampira ka!"sigaw ni Xianna sa kanya at dumiretso sa harap ng whole body mirror. "Arrgh!!!"tili ni Xianna. "Ano ba? Ang ingay-ingay mo!" "Bwisit ka talaga, Riel! Tingnan mo? Tingnan mo tong ginawa mo sa akin. Talagang isusumbong kita pagbalik nina mama at papa dito sa bahay. Kainis ka!" bulyaw pa nito sa kanya. Inis nitong kinuskos ang leeg. Ayaw pa rin mawala ang marka sa leeg nito. Lumapit pa siya rito at tiningnan ang leeg ng dalaga. "See? Kita mo na ang ginawa mo? Ano na lang ang sasabihin ko sa mga classmates ko sa school pag nakita ito, ha? Bwisit ka talaga!" "That's good!"animo walang pakialam na sabi niya. "A-anong that's good!"inis na inirapan siya nito sabay bato ng suklay sa kanya, nailagan naman niya iyon. "Arrgh!! May araw ka rin-" napatigil ito sa pagsasalita nang bigla na lang niyang hapitin ang beywang nito close to his body. Walang kurap na tinitigan siya nito. "You wanna know, what is this mark for?"sabi niya sabay haplos sa leeg nito. Pinagdikit niya ang mga noo nila at ramdam niya ang mabilis na tahip ng kanyang dibdib. "A-ano bang kalokohan to, Riel."nauutal ng tanong ng dalaga sa kanya. "It' s my mark. And once I marked you, it only means you're mine. No one must dare to touch you, Xianna. Cause you're only mine, you're already my slave."seryosong saad niya bago ito binitiwan at lumabas ng silid. "S-slave? A-ano slave? Teka, ano ba ang ibig sabihin ng bruhong iyon?"dinig pa niyang salita nito. Habang nangingiti naman siyang pumanaog na sa hagdanan. "Hoy! Tae ka? Ano ba ang ibig mong sabihin na slave mo ako, ha?" "Ang hina ng utak mo, huwag ka ng magtanong."sagot ni Riel na ngayon ay papunta na sa parking lot. "Bwisit ka! Kumain ka naman ng agahan kanina, ah! Ba't may sira na iyang ulo mo?" "Will you please, shut up, Xianna. Ang ingay mo."saad niyang pumasok na sa loob ng sasakyan. "Tayo na po, manong. Iwan na natin ang maingay na 'to."utos niya sa driver nila. Agad namang sumakay si Xianna. "May araw ka rin sa akin, Riel."pinandilatan lang siya ng mga mata nito. Hindi naman niya ito pinansin sa halip ay nagheadset siya saka nakapikit na humilig sa bintana animo anghel na inosente at walang ginawa. Ewan niya kung anong pumasok sa kukote niya at bigla na lang niyang ginawa iyon kanina kay Xianna. Ang sigurado, gusto niya ang pakiramdam habang hinahalikan ito kanina. Sinulyapan nito ang maamo niyang mukha. Alam niyang ang guwapo niya ngayon kaya napapatitig ito sa kanya. Nangingiti siya sa loob-loob niya. "It's rude staring at people while they're sleeping!"biglang niyang sabi . "As if naman tulog ka!" "I know, ang guwapo ko."he confidently said. "Eww! Tigilan mo nga ako, Riel. Mas guwapo pa rin sayo si kuya Gray ano? Pati si Riu."pambabara nito na ikinainis niya. "Shut up, Xianna! Don't mention their names again!"may halong pagbabanta sa boses niya. Tumahimik naman ito. Mukhang napansin sigurong galit na siya. Oo, talagang nagagalit siya tuwing ikinukumpara siya ni Xianna kay Riu at sa tito Gray niya. Mahabang katahimikan na ang namagitan sa kanila hanggang makarating sila ng school. Habang naglelecture ang professor nila about human anatomy ay naglalakbay naman ang diwa niya. Naiisip pa rin niya ang mamula-mulang mukha ni Xianna. Di niya na namalayan na napangiti na pala siya. "Ano ang nginiti-ngiti mo dyan?"sita sa kanya ni Riu. Di siya sumagot, ngumiti lang siya. "Ano? Nakakangiti ba ang lecture ni prof about human anatomy?" "Tumahimik ka nga. Sinisira mo ang mood ko."saway niya. "Tss. Para nagtatanong lang. Ngayon ka lang kasi ngumiti ng ganyan." "Paki mo. Eh, sa masaya ako ngayon."sagot niya. "Okay, ikaw na ang masaya."tanging nasambit ni Riu. Habang tinatahak niya ang daan sa hallway ay nililingon siya ng mga kababaihan. Talagang mahirap maging guwapo, pansinin kaagad kahit na may suot siyang mask. Pano ba naman kasi naka-white uniform siya na pang-doktor at pumasok siya sa building ng college of architecture, kaya talagang mapapansin siya ng lahat. Nababasa niya sa mga mata nila kung sinong girlfriend ang susunduin niya sa building nila. "Uy, si Riel. Ano ang ginagawa niya rito?"dinig niyang bulungan ng mga babae sa may tabi. "Eh, ano pa ba? Susunduin niya iyong foster sister niya, ano?" "Yung inabutan natin ng love letter? Si Xianna ba 'yun?" "Oo, siya nga." "Ang swerte naman niya at araw-araw niyang nakikita ang mukha ni Riel." "Oo." Sa isip niya, tama sila talagang maswerte sa kanya si Xianna sa kanya. Ang loyal niya kaya. Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi at nagningning ang kanyang mga mata. "Uy, Xianna! Narito na ang sundo mo?"sigaw ng kaklase ni Xianna. Nakita niyang mabilis na niligpit ng dalaga ang mga gamit nito sabay sukbit ng packbag. "Riu! Ang aga mo-" "It's me, Xianna."malamig niyang sabi. Tuluyan ng napalis ang mga ngiti sa kanyang labi. Napalitan na iyon ng pagkainis lalo na ng makita niyang papalapit sa kinaroronan nila si Riu. Ang lawak ng ngiti nito. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"naguguluhang tanong ng dalaga sa kanya. "I told you, slave kita. Dapat bitbitin mo itong bag ko. Kapagod."wika niya sabay itsa ng bag sa dalaga. "Riel, ang bigat kaya nitong bag mo. At hindi mo ako slave noh?"inis na hagkis sa kanya ng dalaga. "I have already marked you kaya sa ayaw o gusto mo, slave na kita."mariin niyang sabi. "Ano? Nababaliw ka na ba?" "Yeah, if you think that way."sagot niya na tumalikod na kay Xianna. "Xianna!"salubong ni Riu sa dalaga. "Inaaway ka na naman ba ng hilaw mong kapatid?"napaismid siya sa sinabi nito. "Oo, Riu."kita niya ang pagmartsa nito papunta sa binata. "Kita mo, pinadadala niya sa akin itong napakabigat niyang bag."reklamo pa nito sabay dabog ng mga paa na para lang bata. "Akin na 'yan. Ako na lang ang magdadala."wika ni Riu sabay kuha ng bag kay Xianna. "Yiee! Ang bait-bait mo talaga, Riu. Hindi ka katulad ng asungot na 'yan." "Halika na, Xianna."sabi ni Riu sabay akbay sa dalaga at naglakad na. Talagang nangunot ang noo ni Riel at umakyat na naman ang dugo niya sa inis. "Akin na ang bag ko!"bigla niyang sabi na ikinatigil ng dalawa. Hinablot niya ang bag na hawak ni Riu at walang pasabing hinila niya ang kamay ni Xianna papalayo sa kaibigan. "Teka, Riel. Dahan-dahan naman, madadapa ako sa 'yo eh."reklamo ng dalaga. "Riel, saan mo dadalhin si Xianna?"habol ni Riu sa kanila. "Tinatanong pa ba 'yon?"inis niyang baling sa binata. "Bitiwan mo nga ako, Riel! Kaya ko namang maglakad."sabat ni Xianna na pilit ipinipiksi ang kamay na hawak niya. Akmang hahawakan sana ni Riu ang isang kamay ng dalaga pero mabilis niya itong napigilan. Hinila niya si Xianna at tinago sa kanyang likuran. "Don't you dare touch her, Riu."seryoso niyang sabi sa kaibigan. Napamaang naman si Xianna sa sinabi niya at tila matagal ring nagsink-in sa utak ng kaibigan ang sinabi niya. Nakalayo pa sila bago pa nakapagreact si Riu. Pagkadating nila sa parking lot ay agad niyang tinulak si Xianna papasok ng sasakyan. Hindi pa rin nawawala ang inis niyang nararamdaman. "Ano ba Riel? Ba't mo ako tinutulak?" "Magmula ngayon hindi ka na sasama kay Riu."saad niya na tumabi na sa dalaga. "Bakit naman?" "Kapag sinabi kong hindi. Hindi talaga."diin niya. "Bakit nga?" "Just shut up, Xianna. Ang ingay mo. Manong, tayo na po."utos niya sa driver. Pagkaandar ng sasakyan ay ihinilig niya ang ulo sa balikat ng dalaga. "Riel, m-masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Siguro dapat malaman na 'to nila mama at papa para makauwi na sila. Baka kasi atakihin ka na naman."alam niyang sa boses ng dalaga ay concerned na naman ito sa kanya. "Ssshh...Huwag ka ngang maingay. Matutulog ako. Huwag mo na silang istorbohin, may trabaho pa ang mga 'yon." "Pero baka kasi..." "Andyan ka naman. Aalagaan mo naman ako, di ba?"tanong niya. "Oo naman, syempre."walang gatol na tugon nito. Naramdaman pa niya ang isang kamay ni Xianna na hinahaplos ang ulo niya. Napangiti siya ng lihim dahil dun. Habang papalapit siya sa silid ni Xianna ay dinig na dinig niya na ang malambing nitong tawa at animo tuwang-tuwa sa pakikipagkwentuhan sa sino mang kausap nito. Iniwan kasi nitong nakabukas ang pintuan ng silid. Katatapos lang nilang maghapunan at matutulog na sana siya nang marinig niya ang mga tawa nito. Magkatabi lang kasi ang silid nila. "Hay naku, Riu. Hayaan mo na lang ang masungit na 'yon. Mukhang may topak lang 'yon kanina."natatawang sabi nito. So, si Riu pala ang kausap ng babaeng ito. Walang paalam na pumasok kaagad siya sa silid nito at hinablot ang cellphone na hawak ni Xianna saka pinatay. "Uy, Riel? Ba't mo pinatay? Nag-uusap pa kami ni Riu, eh."reklamo nito na pilit binabawi ang cellphone sa kanya. "Huwag ka na ring makipag-telebabad sa kanya." "Ano?! Nababaliw ka na talaga, Riel. Sa tingin ko kailangan sa psychiatrist na kita dalhin sa susunod na punta natin sa ospital." "Wala akong pakialam! Basta huwag mo siyang kakausapin!" "Arrgh!!!"biglang sigaw ni Xianna sa inis. "Hindi talaga kita, maintindihan! Alam kong abnormal ka na. Pero di ko alam na may mas malala pa pala sa pagiging abnormal mo, Ashriel dela Merced!"litanya nito na nanggagalaiti na sa inis. Nakita niyang padabog na umupo ito sa kama at maya-maya pa ay kinuha nito ang teddy bear saka niyakap at padapang nahiga sa kama. "Alis na!"pagtataboy nito sa kanya. "Magpalit ka na rin ng number."dagdag pa niya. "Eh di gawin mo! Sa'yo na ang cellphone. Ikaw naman palagi ang nasusunod."maktol nito. Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Xianna. Mahabang katahimikan ang muna ang namagitan sa kanila bago may magsalita. "Labas na. Matutulog na ako."dinig niyang malamig na sabi sa kanya ng dalaga. Iniwan niya muna ang cellphone sa tabi nito bago lumabas at isinara ang pinto ng silid ni Xianna. "Alis na ako."paalam nito sa kanya in her serious face. Nagsalita ito ng di man lang siya tinatapunan ng tingin. Nagmadali itong lumabas ng bahay nila. Kinahapunan ay sinubukan niyang puntahan si Xianna sa classroom nito pero pagdating niya dun ay wala na ang dalaga. Umuwi na daw ayon sa mga kaklase nito. Akala niya naghihintay na si Xianna sa kanya sa sasakyan pero pagdating dun ay wala ito. He tried to contact her phone pero walang sumasagot. Lihim siyang napamura dahil sa frustration. "Sir, okay lang po kayo?"biglang tanong ng driver niya. Siguro napansin nito ang pamumutla niya at ang paghabol ng kanyang hininga. "Oo. Siguro kailangan ko lang iinom ng gamot 'to."sabi niya. "Talagang ayos lang kayo? Hindi ko na po kayo dadalhin ng ospital?" "Hindi na. Iuwi mo na lang ako sa bahay. Kailangan ko lang sigurong magpahinga." "Pa'no po si ma'am Xianna? Iiwan na po natin siya?" "Nauna na siyang umuwi. Sige na, umalis na tayo." "Okay po sir."tugon nito at agad nang pinaharurot ang sasakyan. Hindi niya na namalayan na agad pala siyang nakatulog pagkauwi niya. Nagising lang siya nang maramdaman niya ang pagkalam ng sikmura. Pupungas-pungas na bumangon siya at lumabas ng silid. Nagtaka pa siya nang madilim ang buong paligid. "Xianna, ba't nakapatay ang ilaw sa sala?"tawag niya na hinanap ang switch. Nang magliwanag ang paligid ay parang slow motion na may unti-unting nagsink-in sa kanyang utak. Nakapinid ang pinto ng silid ng dalaga. Mabilis siyang bumalik sa kanyang silid at kinuha ang cellphone. He dialed her number again. Sa ikalawang dial niya, noon niya lang na-realize na nasa kabilang silid lang pala ang nagri-ring na cellphone. Nang buksan niya ang silid ni Xianna, ay naroon nga ang cellphone kung saan niya ito iniwan kagabi. Sumalakay na naman ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya mapalagay sa loob ng bahay. Lakad rito, lakad roon. Tapos mauupo siya sa last two steps ng hagdanan nila at magpapaikot-ikot sa may sofa habang nag-iisip kung saan maaaring nagpunta ang dalaga. "Xianna! Where the hell, are you?!"inis niyang bulalas sa sarili. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha habang nakayukong nakaupo sa may hagdanan. Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pintuan. Umangat kaagad ang kanyang mukha upang sinuhin ang dumating. "Y-you!"galit niyang turo sa dalaga at malalaki ang hakbang na tinawid niya ang distansiya nila. "Ikaw! Ba't ngayon ka lang dumating! Saan ka na naman nagpunta, ha?! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Paano kung may nangyaring masama sayo, ha?! Ano'ng gagawin ko?!"galit niyang sigaw sa dalaga. Napatigil lang siya sa pagsasalita nang mapansin niya ang pamumutla ng mukha nito. Agad na nagyuko ng ulo si Xianna nang mataman niyang pagmasdan ang mukha nito. "Xianna..."sambit niya bago niya tuluyang ikulong ang dalaga sa mga bisig niya. Yinakap niya ito ng mahigpit. "Pinag-alala mo na naman ako. Sana sa susunod na aalis ka, sana man lang sabihan mo man lang ako kung saan ka pupunta. Huwag ka na sanang mawawala sa paningin ko. Dito ka lang palagi sa tabi ko, Xianna."madamdamin niyang saad habang nakapikit ang mga matang yakap-yakap ang dalaga. "R-Riel...I'm sorry, pero baka di ko na magawa ang hinihiling mo?"dinig niyang tugon nito sa gumagaralgal na boses. He knew she's crying already. "Bakit?" "Cause I hate promises, Riel. Ayokong mangako sa 'yo kung wala rin lang kasiguruhan na matutupad ko iyon." "Pero tinupad ko naman ang pangako ko sa 'yo noon di ba? Nilabanan ko ang sakit ko at mabubuhay pa ako ng matagal kasama ka, di ba?" "Oo. Pero sa'yo ang pangako na 'yon. Hindi sa akin, Riel."tugon nito. "Bakit ganyan ka ngayon, magsalita? Is there something, wrong?" Umiling-iling si Xianna at pinahid nito ang mga luha. Saka pilit na ngumiti sa kanya. "Kumain ka na?"sa halip ay tanong nito. "Hindi pa." "Sige, magluluto lang ako."sabi nito kapagkuwa'y umalis na. Nasundan niya na lang ng tingin ang dalaga na papaakyat sa hagdanan. He sighed. Alam niyang may mali. Itinatanggi lang iyon ni Xianna sa kanya. "Kain na."masiglang alok ng dalaga sa kanya na pinaglagyan pa siya ng pagkain sa plato. Kulang na lang subuan siya nito. Naroon na naman ang maliwanag na mga ngiti sa labi nito. "Kailan kaya uuwi sina mama at papa?"maya-maya ay tanong nito. "Siguro hanggang matapos ang kontrata nila sa probinsya. Baka dalaw-dalawin na lang nila tayo dito."sagot niya. "Nami-miss ko na kasi sila eh. Parang gusto ko silang yakapin."sambit nito bago sumubo. Napansin niya na nag-iba na naman ang ekspresyon sa mukha nito. "Ba't hindi mo sila tawagan?"suggest niya. "No."mariin nitong tanggi na namimilog pa ang mga mata. "Baka may date sila ngayon ni papa. Alam mo na. Maistorbo ko pa ang pagmo-moment nila."nakahagikhik na nitong turan sa kanya. "Kain na. Umandar na naman ang bibig mo, mabilaukan ka dyan?"nawika niya. "Hindi iyon mangyayari."nakangisi pa nitong sagot. Pagkatapos nilang kumain at magligpit ay umakyat na sila sa kanya-kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD