Chapter Thirteen

1743 Words
Hindi pa rin maampat ang mga luhang umaagos sa pisngi ni Xianna. Alam niyang wala siyang karapatang masaktan pero di niya mapigilan ang damdamin. Muli ay pinahid na naman niya ang mga naglalandas na luha. Malungkot siyang nakatingin ngayon sa ibaba ng building. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat ay di niya na alintana. Ang tanging naiisip niya lang ngayon ay si Riel at ang pagiging engage nito kay Elise. Napahigpit ang hawak niya sa railings at napadungaw lalo sa baba. Matagal nga talaga siyang nahimbing kaya't ngayon sa kanyang paggising ay marami ng bagay ang nagbago. At kabilang na doon ang pakikitungo sa kanya ni Riel. "Xianna, huwag!"isang sigaw ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran na nakapagpagulat sa kanya. And the next thing she knew, she's already wrapped in his arms. "Don't do this, Xianna. Kung ano man ang problema mo, pag-usapan natin."masuyo nitong sabi sa kanya habang tinatapik nito ang kanyang likuran. Napaangat ang mukha niya at tinitigan ngayon ang binata. Nagpakawala siya ng isang mapait na ngiti. "Riu."usal niya. Ngayon, nagpapasalamat siya dahil nandito palagi sa kanyang tabi ang kaibigan upang aluin siya. Mangiyak-ngiyak na naman siyang nakatitig rito. "Damn, Xianna! What did he do again to you, this time?"may galit sa boses na usal nito habang pinupunasan ng daliri ang kanyang mga luha. Umiling-iling lang siya sa naging tanong nito. "Pinag-alala mo ako nang husto. Akala ko napa'no ka na?"wika nito na ngayon ay muli na naman siyang isiniksik sa dibdib nito. "I'm sorry, kung pinag-alala rin kita, Riu. Pero, ayos lang talaga ako. Gusto ko lang makita ang view dito sa taas kaya umakyat ako rito."pagpapaliwanag niya. "Nexr time, please tell me, where are you going okay?"alo nito sa kanya "Pasensya na talaga. Kagigising ko lang kaya wala akong planong matulog muli."nawika niya na nakapagpatawa kay Riu. "Yeah, dapat lang yun, Xianna." Kahit papaano ay naibsan naman ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagkonsola ni Riu sa kanya. Matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital ay iniuwi na rin siya ng kanyang ama sa tahanan nito. Nakapaninibago ang lahat sa kanya lalo na ibang lahi ang kanyang kaharap. Konti lang ang alam na English ng mga pinsan niya at hindi niya rin gamay ang wika nila kaya nahihirapan siyang makipag-usap. "Xianna, why are you still awake?"boses iyon ng kanyang ama. Narito siya ngayon sa balcony ng bahay ng ama niya habang nakatitig sa kalangitan. Lumapit ito sa kanya at inayos suot niyang scarf. "I just remembered something, dad."wika niya. Her father gave her a gentle smile. Pagkatapos ay hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Yes. You remembered something so do I."he said. "You looked like your mother. Your eyes, your nose, your lips and even your voice. You're the exact replica of her. Seeing you right now, made me missed her even so much more. How I wish, she's here with us." The sad voice of her father talking about her mother made her more emotional. Kaya niyakap na lang niya ng mahigpit ang amang kay tagal na nawalay sa kanya. Napaiyak siya sa sinabi nito. "I'm so sorry for giving you and your mother a miserable life." Napailing-iling na lang siya sa sinabi nito. "I-It's okay, dad. It was my mom decision, back then. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Konsola niya sa ama. Naiintindihan niya ang desisyon ng ina at naiintindihan niya rin ang kanyang ama ngayon. 'Cause she's been in that situation right now. "S-Salamat, Xianna."saad nito. Mabilis na lumipas ang mga araw sa poder ng kanyang ama. Hindi na nga niya namalayan na dalawang linggo na pala ang lumipas. Sa mga araw na iyon ay abala siya sa pakikisama sa lolo at lola niya. Ipinasyal siya ng mga ito sa magagandang tanawin at pinagkakaabalahan rin nila ang pagtatanim sa garden na nasa likod ng kanilang bahay. Sa gabi ng araw na Sabado ay nakatanggap siya ng text mula kay Riu at Elise. Una niyang binasa ang mensahe ni Elise. 'Pwede mo ba akong samahan, Xianna? Magpapasukat sana ako ng wedding gown.' Nanikip na naman ang kanyang dibdib sa nabasa. Muli na naman niyang naalala si Riel na wala ng pakialam sa kanya. Pinahid niya ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. Sunod na binasa niya ay ang mensahe ni Riu. 'Xianna, pasyal tayo. Meet me tomorrow at 5pm sa parke ng ospital. See you, there!' Mabait sa kanya si Riu kaya pagbibigyan niya ang kahilingan nito. Maski man lang doon ay makabawi siya. Kinabukasan ay nagpunta nga siya sa ospital upang doon kitain si Riu. Halos isang oras na rin siyang nakaupo sa may bench ay 'di pa rin dumarating si Riu. Nagsisimula na naman ang pagbagsak ng mga niyebe sa paligid kaya naaliw na lang siyang pagmasdan ang mga iyon. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at pinadyak-padyak niya ang paa sa nagyeyelong lupa. Tapos ay tumingala siya sa kalangitan matapos niyang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Nasa ganoon siyang posisyon when someone called her. "Xianna!"napalingon siya sa kinaroroonan ng boses. "Riu!"napangiti siya ng malawak nang makita ito. Hahakbang na sana siya palapit sa binata when she noticed that familiar figure at his back. Gano'n na lang ang pagsikdo ng kanyang dibdib nang magsalubong ang kanilang mga titig kaya kaagad rin niyang binawi ang tingin rito. "Pasensya na kung naghintay ka ng matagal."wika ni Riu na lumapit sa kanya. "Okay lang, tayo na?"aya niya na tumalikod na at naglakad patiuna. "Xianna, kasi..." "Ano 'yon?"tanong niya na di ito linilingon. Ayaw niya kasing masalubong ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Riel. "I am not coming with you."sabi ni Riu na nakapagpatigil sa kanya at siyang ikinalingon dito. "Ha? A-akala ko ba-" "Sige, Xianna mauna na ako."paalam ng binata sa kanya. Hindi na siya nito hinayaan pang makapagsalita dahil tumakbo kaagad ito palayo while waving his hands. "Riu!"tanging habol pa niyang sigaw sa kaibigan. "He already left."napalingon siya kay Riel nang magsalita ito sa kanyang likuran. Ngayon malayang-malaya niyang nakikita ang walang emosyong mukha nito. His cold eyes seems to make the atmosphere even colder. Bahagya pa siyang napaatras nang lumapit ito sa kanya. Gusto niyang magsalita at magtanong pero hindi niya makapa ang sariling boses. Ikinagulat na lang niya ang paglalagay nito ng scarf sa kanyang leeg. "You're cold."anito. That tender voice of him made her miss him more. Bigla na lang namuo ang mga luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata pero pinigilan niya ang pagpatak ng mga iyon. "Let's go."aya nito sa kanya na iginiya siya sa sakayan ng bus. Pinagsalikop din nito ang kanilang mga palad habang naglalakad sila papunt sa waiting shed. Namangha siya sa pinagdalhan ni Riel sa kanya. Narito sila ngayon sa isang sikat na amusement park na nagpagawa ng ilang christmas iconic figure na gawa sa yelo. "Wow, ang ganda."tanging nasabi niya na tiningnan ang bawat likha. Nagulat pa siya nang lingunin niya si Riel ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya na agad ring nag-iwas ng tingin na kanyang ikinalungkot. Mapait naman siyang ngumiti at pinilit na gawing normal ang lahat. Masaya siyang pumunta sa hilera ng mga nagtitinda ng makakain. Tinikman niya ang lahat ng pagkain na naroon. Na-curious kasi siya. Hinila niya agad si Riel nang makita ang booth kung saan may palaro ng palaso. "Riel, please, galingan mo. Gusto ko 'yung puting stuffed toy sa taas."sabi niya sa binata. Ayaw nitong maglaro, pero pinilit niya talaga. Gustung-gusto niya kasi talaga ang stuffed toy na naroon. Kaya napapayag niya rin ito kalaunan. "Bull's eye!"sigaw ng lalaki. Kaya naman tuwang-tuwa siya ng ibigay sa kanya ng lalaki ang stuffed toy. Ngiting-ngiti siyang niyakap ang stuffed toy. "Gomawoyo, Riel."sabi niya na nakangiting nilingon ito. Titig na titig sa kanya ang binata kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Naglakad na rin siya patiuna upang palisin ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman na lang niya ang pagkapit ng mga kamay nito sa nanlalamig niyang kamay. His hands were warm kaya medyo napaigtad siya sa gulat. Hindi ito nagsalita at hindi rin siya nito nilingon. Diretso lang ang paningin nito sa dinaraanan nila. Kaya di na rin siya nagtangkang magtanong. "Talaga ba? Sure ka na sasamahan mo ako?"kulit at paulit-ulit niyang tanong sa binata. "Oo, nga sabi."tugon naman ni Riel. "Pero, baka makasama sa'yo. Pa'no na lang kung may mangyaring ma-" "Tss!" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang hilahin na siya ni Riel pasakay ng ferris wheel. "Uy, Riel. Magsabi ka lang kung may kakaiba kang nararamdaman, ha?"nag-aalala niyang sabi rito. "Wala pa tayong dalang gamot mo, pag nagkataon." "Don't worry. I'm a doctor, Xianna. I can manage myself."tugon ng binata sa kanya. "Pero..."protesta niya pa. Natigil lang siya nang ipatong ni Riel ang palad nito sa ulo niya at ngumiti sa kanya. His smiles made her heart to thumped again even more faster. Kaya sa halip na gumanti siya ng ngiti ay nag-iwas na lang siya ng tingin. She tried her best not to let herself burst out. "Close your eyes."maya-maya ay sabi nito, ilang minuto ang makalipas nang makasakay sila sa ferris wheel. "Huh?"nagtatakang tanong niya. Naramdaman na lang niya na tinakpan ng mga kamay ni Riel ang kanyang mga mata. "One...two..."dinig niyang bilang nito. "...three." and he removed his hands. Ngayon, isang nakamamanghang tanawin ang nasasaksihan niya ngayon sa kalangitan. Napakaganda. Sa sobrang ganda ng makukulay na fireworks ay 'di niya na napigilan pa ang pagbagsak ng mga luha. "Hey, is there something wrong?"nag-aalalang mukha ni Riel ang sumalubong sa kanya. Umiling-iling lang siya. "W-wala. Ang ganda kasi..."tanging tugon niya. Nang mapansin niyang nakahinto na ang ferris wheel ay agad siyang lumabas. Sumunod naman sa kanyang likuran si Riel. Naiinis na pinahid niya ang naglalandas na mga luha. Ang kanyang mga traydor na luha. Matapos nilang magsawa sa kalilibot sa loob ng amusement park ay napagpasyahan na nilang umuwi. Narito sila ngayon, nakaupo sa may bus stop. Mahabang katahimikan na naman ang namagitan sa kanila. "C-Congratulations nga pala sa nalalapit mong kasal, Riel."nakangiting baling niya sa katabing binata to break the silence. Pero ang walang emosyon na namang mukha nito ang sumalubong sa kanya. Kaya unti-unti namang napalis ang alanganin niyang ngiti. "I'm going."sa halip ay sabi nito na walang lingon-likod na sumakay sa bus na katitigil lang. Tahimik siyang napayuko. Ngayon ay hindi niya na pinigilan pa ang paglalandas ng mga luha. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng ibang mga tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD