"NAGSASABI ka ba ng totoo, sweety?” mababa ang tonong tanong ni Xavier sa kanya. Napasinghap pa siya sa ginamit nitong endearment. “O-Oo,” nauutal na sagot ni Aloha at pilit inaalis ang kamay nitong mahigpit pa ring nakahawak sa kaliwang braso niya. Nang bitawan siya nito ay nagmamadaling umalis siya sa harap nito at agad na pumasok sa kanyang silid. Saka lang niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang hininga nang tuluyan na siyang makapasok at nagpapanik na agad niyang ni-double lock ang pinto. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang bag at kinuha ang cellphone. Kailangan niyang tawagan si Nathalie. Hindi na niya kaya na mananatili pa rito ng matagal. Sigurado na siya na hindi talaga si Xavier ang lalaking kasama niya ngayon. Hindi lang niya alam kung si James ba o

