NAGISING si Aloha nang makarinig ng komosyon sa labas ng silid na kinaroroonan niya. "Ilabas mo ang babaeng iyan, Manang Susan!" Narinig niyang sigaw ng babae mula sa labas. Agad siyang napabangon pero bago pa man siya nakababa mula sa kama nang marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid ni Phoenix at pumasok doon ang galit na galit na ginang. "Totoo ngang narito ka at tinatago ka pa ng anak ko." Galit na sikmat ng ginang sa kaniya. At isang iglap lang ay nahablot na nito ang buhok niya at kinaladkad siya. Napahiyaw siya at hindi agad nakahuma sa ginawa ng ginang sa kaniya. "Ma'am, bitawan niyo si Aloha." Sigaw ni Nanay Susan na pilit inaawat ang ginang sa pananakit nito sa kaniya. Malaking bulas si Nanay Susan kaysa sa babaeng nanakit sa kaniya kaya agad naman siyang nabitawan n

