HSBW#55 "HOW'S MY WIFE, DOC?" kinakabahang tanong ni Phoenix sa doctor na umasikaso sa asawa niya. "Just tell me what happen? Is she anemic? High blood? What?" "Siguro napagod lang ng husto ang katawan niya sa trabaho this past few days kaya tumaas iyong ECG niya. This is normal for pregnant woman. Epekto ng pagbabago ng katawan niya. At iwasan talaga ang ma-stress siya. Dapat kumain din siya on time dahil hindi na lang siya ang kumakain pati na rin ang baby niyo." "Yes, doc." aniya. Matapos siyang paalalahanan ng doctor sa mga bawal para kay Aloha ay nagpaalam na ito. Lumapit siya sa may kama kung saan ito nakahiga. Hinila niya ang puting mono block chair na naroon at naupo. "I know, I’m the reason why you’re stressed. I'm sorry, hindi na iyon mauulit pa," aniya habang hinahaplos ni

