Greatest downfall Nayakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Kasabay ng pangangatal ng labi ko ang pagtayo ng balahibo ko sa sumigid na lamig sa katawan ko. Mas lalo kong ipinulupot ang balabal sa katawan ko. Napabuntong-hininga ako nang tingnan ang orasan sa cellphone ko. It's almost 11 pm. He's still not here. Yumukyok ako sa tuhod ko sa panghihinang naramdaman ko. Naiinis na pinahid ko ang luhang namalisbis sa pisngi ko. I won't cry. This is not me. Hindi ako iyaking tao, kahit nang halos mamatay ako sa sugat na mga tinamo sa nagdaang mga taon ay hindi ako naging iyakin nang ganito. Gahd! May kinalaman ba ang mga operasyon ko sa pagiging uncontrollable ng emosyon ko? When the clock strikes at 11:30, I already accepted the fact that he won't come. Dapat na akong tuma

