You killed me "Kuya Gary!" Malakas kong sigaw nang lumipas ang halos isang minuto na hindi pa rin umaahon si Leighton. As much as I want to throw myself in the water, I can't. Not with my limping foot. Palakas nang palakas ang tahip ng puso ko habang salitan kong isinisigaw ang pangalan ni Leighton at ni Kuya Gary. "Ma'am, ano pong problema?!" "Si Leighton, Kuya! P-pakitulungan naman po!" Umiiyak ko ng saad at tinuturo ang kinaroroonan ni Leighton. He's not moving! Nanghihina akong napaupo habang inaahon ni Kuya Gary si Leighton mula sa pool. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan nang dalhin sa akin ni Kuya Gary ang walang malay na si Leighton. Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Leighton pero hindi pa rin siya gumagalaw. "L-Leighton, wake up!" Lumunok ako at pilit pinakalma ang

