Leaving Friday morning. Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Hindi ako kumikilos kahit na ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko. Ramdam ko ang pamimigat ng ulo sa kakulangan ng tulog. Napakahirap ng mga nakalipas na araw. Ang pag-akto na ayos lang ako kahit ang totoo ay tila ako isang kandila na unti-unting nalulusaw. Ilang beses ko na nga bang tinangkang umalis na lang sa gitna ng gabi? Pero hindi ko magawa. Dahil ayoko pang iwanan si Leighton. Sapat na sa akin ang ilang sandaling pagkikita namin sa mga nakalipas na araw dahil busy siya para sa debate competition na sasalihan niya. Alam ko ang pakiramdam nang maiwan. Iyong pakiramdam na paulit-ulit mong tatanungin sa sarili mo kung anong mali sa'yo. Kung anong dapat mong gawin para hindi ka nila iwan. Th

