Chapter 22 3rd Person's POV "Ano ito?" tanong ni Selene. Dumating muli ang reyna at may binigay na lalagyan. "Black potion iyan. Gawan mo ng paraan kung paano mapupunta iyan sa empress at maibibigay sa emperor," ani ng reyna. Nagtaka si Selene. "Kung hindi mo makuha ang atensyon ng emperor dahil sa presensya ng empress— alisin mo ang empress sa landas mo. Gumawa ka ng mga paraan para piliin ng empress na umalis muli o magalit sa kaniya ang emperor," bulong ng reyna. Sinabi ng reyna na may anger issue ang emperor at madalas nasasaktan ng emperor ang empress. Napatigil si Selene matapos marinig iyon. Hinawakan ng mahigpit ng babae ang bottle at tumango. — "Huwag mong bubuksan iyan. Matapang ang amoy baka mapano kayo ni baby." Tinanong ni Selene kung para saan iyon. Kakaiba kasi an

