THIRD PERSON POV
Napaka ganda ng Hotel na inalok ni Anthony kay Michelle.
Sapat nayon para sakanya.
Umiiyak ang binata dahil sa sama ng kanyang Loob.
Gusto nya si Michelle kahit kaka kilala nya palang dito.
Tumutungga sya ng Beer sa Harap ng Dagat.
Sinasam sam ang Hangin at tinatanggal ang sama ng Loob sa kaibigan.
Michelle pov
Boring dito sa Kwarto nato.
Tumawag saken si Josh kanina Hinahanap nya ko.
Kapal ng muka kung tutuusen pwede ko syang ipakulong.
Tinry ko den tawagan si Sir Anthony pero Cannot be reach.
Gusto ko lang mangamusta.
It's already 8:40pm nag lunch nako inaabutan ako ng Mga tao dito. Masasarap den yung pagkaen.
Bagot na bagot nako sa loob ng kwarto nato.
Pumasok akong CR para mag Half Bath.
Nagsoot ako ng Black Sando at MiniShort addidas.
Hindi naako nag bra Komportable ako sa ganon lalo kapag matutulog.
9:50 pm
Hayyyyy! Hindi ako makatulog.
Manonood nalang ako ng TV.
@_@
12:40 am
aishhhhhh! Hindi paden ako makatulog.
Pagod na yung mata ko pero buhay na buhay yung katawan ko.
*Knock! *Knock!
Aba teka! Hating gabe na Hah.
*Knock! Knock!
"Sandali lang!" Sigaw ko mula sa sofang kinauupuan ko.
Hinila ko ang pinto para bumukas.
"Sir anthony!" Nanlaki ang mata ko ng bumungad saken si Sir with a girl.
May sinama pa talaga sya huh.
"Pasok po kayo." Ika ko sa babae naka akbay sakanya si Sir Anthony.
Laseng ata si Sir.
"Where's his bed?" Tanong ng Babae mukang mayaman.
Tiniro ko ang iisang kama.
At agad nya inihiga si Sir Anthony.
"What?! Anong tinitingin tingin mo? Get-out!" Sigaw nung babae saaken. Wow ah kapal naman pala ng muka neto.
Pigil self.
Anong magagawa ko edi Lumabas ako.
Nakakahiya naman diba.
Kumuha ako ng Jacket bago Lumabas.
-----______-------
Pumunta ako sa Right Pool ng Hotel.
Umupo sa gilid at ibinabad ang paa sa pool.
"Maam, Ano ginagawa nyo jaan? Hating gabe napo. Pumasok napo kayo." Sabe nang Guard.
Mababaliw ako ng maaga sa mga tao.
"Mamaya nalang po papasok din po ako." Tatay koba to?
Mukang may Edad na Yung guard Pero mukang mabuting tao.
Hinubad nung guard yung soot nyang Sapatos at umupo malapit saaken.
Medyo malayo layo ng Konte.
"May problema kaba hija?" Ika ni Manong Guard.
Mabuting tao talaga sya.
"Ah wala po, gusto ko lang magpahangin." Pagkukunwari ko.
"Diba ikaw yung kasama ni Boss Anthony Kahapon Hija?" Wika ulet ni Manong Guard.
"Oho, ako nga po." At ngumite kay mbong Guard.
Kahit puno ng Kahangalan ang Mundo May iilang kagaya paden ni Manong ang May mabuting Loob.
"Pwede ka saken mag sabe ng Problema Hija." Tumulo ang Luha ko parang sa Oras nayon Naranasan kong may Ama.
"Manong guard, pano po kapag nakita mong May kasamang iba yung taong gusto mo? Pero wala kang magawa dahil wala kalang naman sakanya." Agad kong pinunasan ang luha ko.
Napangite Si Manong Guard.
"Hija, makineg ka. Umamin kanaba sakanya? Kung ako ang nasa Lagay mo,aaminin ko ang Tunay kong Nararamdaman, Tatanggapen ko kung ano ang Kalalabasan ng Pag-amin ko, Kung Malaman kong hindi nya ako gusto hinde kona kawalan iyon. Kawalan nya na yon tao lang naman tayo Nagkakagusto. hindi naman sa Lahat ng Oras Pipilien tayo ng Ginugusto naten."
Ayos si Manong dameng karanasan sa Lablayp.
"Ibig sabihen po kailangan kong umamen?" Pagtatanong ko.
"Ganon na nga hija."
"Pano kung pagtawanan nya ako?"
Kota nako sa pagtatanong kay manong.
"Pagtawanan ka nya hangga't gusto nya. Ipakita mo sa kanya sa Hule na yung taong pinagtawanan nya Dapat pala yun yung pinile nya." Ngumite si Manong . Napakasarap kausap ni Manong.
"Ano bang ibig sabihin kapag gusto mo syang makita oras-oras? " Tanong ko Ulet.
"Mahalaga sya sa iyo, ayun ang ibig sabihin non."
Ibig sabihen Gusto ko Si Sir Anthony?
"Hey You!! Baket ka Lumabas?" B9ses ni Sir Anthony sa Likudan namen ni Manong Guard.
"Boss Anthony Magandang Gabe Po, ipasok nyo napo yung kaibigan nyo." Sabe ni Manong guard At agad Tumayo sa Pool.
Tumango lang si Sir.
"Sir, pasensya napo. Pinalabas ako nung kasama nyo pasensya napo."
"That stupid Woman?! Baket ka sumunod sakanya? Sino ba sya sa tingin mo?!" Sigaw ni Sir Anthony.
"Akala ko po GirlFriend mo Sir" mababang boses nasabe ko Kay Sir.
"Tara pumasok natayo".
Hinila ni Sir yung Kamay ko.
Sobrang Dien.
"Sir, nasaan napo yung Babae?" Pagtatanong ko habang hinihatak nya ako.
"Pinaales kona. Ang sabe ko ihatid lang ako dito hindi ko alam na papalabasen kanya STUPID WOMAN TALAGAAAA!!!" Puno ng galet ang Boses ni Sir.
Nangingineg na ang paa ko sa Sobrang Takot.
"Diba sinabihan nakitang wag kang lalabas?! Ang kulit mo talaga!! " Dugtong pa ni Sir. Grabe maka pagsalita galet na galet.
"Akala ko Lasing ka Sir? Eto gatas inumin nyo ho." Inabot ko sakanya ang basong may Lamang Gatas.
Seryoso syang Nanonood ng TV.
Ininom nya ang gatas na Timinpla ko.
"Sir hindi kapa ba uuwe?" Tanong ko.
"Bukas na ako uuwe" seryosong sabe ni Sir tutok na tutok sa TV.
Umupo ako sa Sofa malapit kay Sir.
"Sir bakit dito ka dumiretyo?" Tanong ko ulet.
"I don't know." Sagot nya at hindi na ulet ako nag salita tumango lang ako.
Hindi ko naintindihan.
Madaling araw na Kaya Humiga na akong Kama,si Sir nasa Lounge nanonood.
"Sir! Matutulog napo ako Goodnight Sir." Sigaw ko mula sa Kwarto nakabukas lang nakan yung ointo ng Kwarto kaya maririneg nya iyon.
"Ok.goodnight" lameeeg ng bosess.
"Hindi kapaba Matutulog Sir?" Huleng tanong na talaga.
"Why? Gusto mo pabang tabihan kita?" Sagot ni Sir Ants. Sabe kona nga ayoko na magtanong eh..
"Sige sir tulog napo ako." Chinange topic kona baka tumabe pa saken si Sir Nakakahiyaaaaaa.