The feeling is overwhelming iyun ang nararamdaman niya hanggang sa oras ng pagtulog niya at panay ang biling niya sa higaan dahil hindi maalis sa isip niya ang mga nangyari ngayon araw.
Ang mas nakakagulo sa isipan niya ang pagtatapat ni Veron na gusto siya nito.Sapat na mabothered siya,ito ang nakabili ng ari-arian nila pero ang pag-amin nito sa kanya sa tunay nito damdamin ay labis-labis nakakaggambala sa isipan at...puso?
Marahas siya napabuga ng hangin."Damn.."usal niya sa hangin.
Aminado siya na humanga siya sa babae sa angkin nito kagandahan at nadagdagan ang paghanga iyun ng malaman niya na isa pala itong palaban na babae hindi lang ito basta magandang babae lang,sumasabak ito sa mga delikado laban na hindi gawain ng isang babae pero hindi si Veron.She's tough woman like a wonder woman! Napangisi siya.Kasing ganda nito si wonder woman.
"Bakit gising ka pa,kuya?"bigla pagsasalita ng kapatid.Mabuti na lang patay ang ilaw kaya hindi nito nakita ang pagngisi-ngisi niya na hindi naman niya gawain lalo na kapag babae ang nasa isipan niya.
Nababaliw na ata siya,putek lang!
Bumangon siya sa pagkakahiga mula sa sahig na sinapinan lang niya ng makapal na kumot.
" Ikaw bakit ka nagising?"balik-tanong niya rito.
"Iinom lang sana ako ng tubig,kuya.." tugon nito.
"Kinalimutan mo na naman magdala ng tubig sa kwarto mo," sita niya rito.
"Hmph,matulog ka na nga kuya," simangot nito at tinungo ang kusina na katabi lang ng pwesto niya.
"Lalabas lang ako,"paalam niya rito habang umiinom ng tubig.
" Saan ka pupunta eh gabi na,Kuya?"agad nito usisa.
"Maglalakad-lakad lang hindi ako makatulog, magpapaantok lang ako ," paliwanag niya rito.
"Hindi ka pa rin ba nakakapagdecide, kuya?" bigla nito tanong.
Bumuntong-hininga siya."Don't worry,pinag-iisipan ko na,naisip ko rin na hindi pa rin tayo pinapabayaan ng Diyos dahiL may tao Siya pinadala na handa tumulong sa atin,"aniya.
Hindi siya mapanatayang tao pero mula ng dumanas sila ng kapatid ng paghihirap doon na siya natuto tumawag sa Diyos.
"Napakabait niya Kuya..hindi lang ubod ng ganda ni Ate Veron super mabait pa niya!"
"Oo at iLang beses mo na yan sinasabi sakin yan," lukot ang ilong na turan niya rito.
Tumawa ito."Type mo ba Kuya?"panunukso nito.
Sinamaan niya ito ng tingin."Matulog ka na nga,saglit lang ako sa labas,"sikmat niya rito at agad na Tina likuran lang kapatid na tatawa-tawa pa din.
Walang direksiyon ang paglalakad niya basta lakad lang siya ng lakad.Hindi naman siya nababahala na may masama mangyari sa kanya habang nasa labas siya.Tahimik at hindi magulo ang lugar nila naobserbahan niya iyun mula ng maistay siya rito sa pilipinas.
Huli ng matanto niya na napahinto siya sa harapan ng gate ng hacienda nila ..dati.Agad na nagsalubong ang mga kilay niya ng makita naiwan bukas na naman ang gate.Kanina bago siya umalis pinaalalahanan niya ito ugaliin magsara ng gate at pintuan.Pero mukha nakalimutan na naman ata nito magsara.
Marahas siya napabuga ng hangin.Patay na ang mga ilaw sa loob ng kabahayan malamang tulog na ito.Napailing na lang siya sa pagiging careless ng babae.Eh ano kung naging title holder pa ito sa pakikipaglaban? Babae pa rin siya hindi lahat ng pagkakataon kaya niya talunin ang kalaban.
Isasara na sana niya ang gate ng makarinig siya ng ingay.Alam niya ang ingay na yun.Tila iyun tunog ng nasaktan.Pinakinggan niya ang paligid.His heart beat so fast!
"Ugh!" daing ng isang boses ng lalake kasabay ng paggalabog na nagmumula sa loob ng hacienda.
Veron! nagpapanik na sigaw niya sa isip.Nagmamadali tumakbo siya papasok ng hacienda.Sinundan niya ang pinanggalingan ng ingay.Muli may gumalabog at nanggagaling iyun sa bakuran ng bahay.
Mabilis ang kilos na tinungo niya ang pinagmumulan ng ingay. Sa likuran ng mansyon siya nakarating.
Mula sa liwanag ng buwan na iyun lang ang tanglaw sa buo kapaligiran.Agad siya natulos sa kinatatayuan ng masaksihan niya ang pagpapatumba ni Veron sa isang lalaki.Mabilis ang pagkilos nito ni hindi nga niya nakitang gumalaw ito sa kinatatayuan ng matumba sa damuhan ang lalaki.
Noon lang niya nakitang tatlong lalaki ang wala ng malay na nakalugmok sa damuhan.
Nakaawang ang mga labi niya ng magtama ang mga mata nila ng dalaga.
"Gael.." anas nito na nagulat na makita siya roon.
Agad siya nakabawi sa pagkamaang.Nagmamadali lumapit siya rito.
"A-are you okay? Nasaktan ka ba nila? Anong nangyari?" sunod-sunod niya tanong na may halo pag-aalala Para rito.Well,heck!
"Uhm,gusto nila pasukin ang bahay nang marinig ko na may nagbubukas ng gate pinanuod ko sila at nakita ko umikot sila rito kaya inabangan ko na sila sa back door,"pagkukwento nito.
Tiim-bagang na sinulyapan niya ang tatlo lalaki." Tatawag ako sa police station,itali natin sila.."seryosongseryoso niya saad.
"Okay," sagot nito.
Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya sa tatlong lalaki na nag tangka mangloob ng bahay.Paano na lang kung hindi naging alerto ang babae malamang napahamak na ito at higit sa lahat paano kung hindi ito marunong makipaglaban siguradong kayang-kaya ng tatlong tarantando ito na saktan si Veron.
Naikuyom niya ang palad naninikip din ang dibdib niya maisip pa lang niya mapapahamak ang babae.
May desisyon na siya.Kung gusto niya maging ligtas ang tao gusto siya tulungan bakit hindi niya suklian iyun ng pagpoprotekta rito.Damn,kahit na malakas ito sa kanya hindi niya kaya hayaan na lang ito mag-isa sa bahay.