Kabanata 40 INALALAYAN siya ni Diablo paupo sa may jet ski. Nang makaupo na siya ng maayos ay ngumiti siya ng malapad. “Dream came true, omg!!!" bulalas niya at tinaas ang kanyang mga kamay sa eri. Ang saya-saya ng puso niya. Para kasing nag-heal ang inner child niya kapag ganito mga activity ang ginagawa nila since pangarap niya ito noong bata siya. “Masaya akong masaya ka, Marie," sabi ni Diablo kaya’t napatingin siya sa lalaki na lumingon pala sa gawi niya. Hindi niya napansin na pinagmasdan pala siya ng lalaki habang parang bata siyang nagsasaya. Ngumiti siya ng malapad. “Salamat, excited na ako. Paandarin mo na," aniya sa lalaki. “Ready ka na?" nakangiting tanong ni Diablo sa kanya. Parang batang patango-tango siya. “Ready na," sagot niya at inilagay sa may balikat ng lalaki

