KINABUKASAN napabalikwas ng bangon si Marie nang maalala niya ang nangyari kagabi. Nanlaki ang kanyang mga mata at napabukasara ang kanyang mga labi nang mapansin ng dalaga kung saan siya naroon. “Nasa kwarto ako?" gulat na bulalas niya at tinignan ang kanyang paligid. Napakurap-kurap siya nang mapangtantong nasa kwarto nga siya at hindi sa sala. “Kung gayon ay panaginip lamang ang nangyari kagabi?” tanong niya sa kanyang sarili. Napabalikwas siya ng bangon sa higaan nang marinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan, kaagad siyang napatitig roon at dahan-dahan na bumaba mula sa kama upang buksan ang pinto at tignan kung sino ang kumakatok. “Goodmorning, kamusta ang tulog mo? Salamat nga pala kagabi," masiglang bungad sa kanya ni Diablo na bagong ligo. Amoy na amoy niya ang panlalak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


