Intensyon Lianna was awakened when she felt someone’s presence on the bed. “My Lianna, you should eat,” malumanay na saad ni Vaughn nang magmulat siya ng mga mata. Nakaupo ito sa gilid ng kama. Kung gaano ito kagalit kanina sa opisina ay ganoon naman kaamo ang mukha nitong nakatitig sa kanya. Naguguluhan na talaga siya sa personalidad ng asawa. “Wifilicious, eat up,” saad nito. Binuhat nito ang tray ng pagkain sa side table. Napansin niyang hindi na ito ang pagkain na dinala ng maid kanina. Umuusok pa kasi ‘yong kanin at soup. “Bakit mo ako ikinulong dito?” tanong niya rito. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Nakararamdam pa rin siya ng kaunting takot. “Ikinulong?” Vaughn’s forehead creased. Mas lalo namang naguluhan si Lianna sa pagkunot ng noo nito. “Ayaw akong palabasin ng mga tauha

