DRSW#35 "Alex, paano na ang mga apo natin?" Narinig ni Andrew ang tanong na iyon ng kanyang ina pagkapasok niya sa loob ng ICU. Umiiyak ito habang nakayakap sa kanyang ama. "Sssh... sweetheart. Ysabella will wake up soon, okay?" Ani ng kanyang ama. "We need to do now is to convinced Andrew to go home." Napabuntonghininga siya sa narinig niya mula sa kanyang amang si Alexander. Kahapon pa kasi siya narito at hindi pa rin umuuwi. Kung hindi pa siya pinilit kanina ni Mommy Annalise na kumain na muna at ang mga ito na muna ang magbabantay sa asawa niya ay hindi pa rin siya kikibo at mananatili lang siya dito sa loob. Wala rin naman siyang ganang kumain. Naglakad siya pabalik sa kanyang naiwang pwesto kanina. "Andrew..." Tawag ng kanyang ina sa kanya. "Go home and change. Kami na muna ng Da

