DRSW#39 ISANG araw pa ang naging pananatili niya sa loob ng ICU. Nang idiniklara ng doctor niya na okay na lahat ng vital signs niya ay kaagad din siya nitong ipinalipat sa recovery room. Malaki at mas maaliwaliwas pero nakakaloka naman ang presyo kada-araw. Hundred thousand bucks. Imagine that. But her husband insisted it, kaya wala siyang magagawa. Ang gusto lang naman niya ay gumaling na at para makauwi na siya at makikita na rin niya ang tatlong angels niya. Speaking off, may emergency meeting ito kaya naiwan na muna siya at ang nurse na kinuha nito para magbantay sa kanya. She was bored to death, kanina pa siya nanonood ng palabas sa television. Hindi rin siya makatulog. Gusto na talaga niyang umuwi. Nakaupo siya at nanghahaba ang mga nguso na pilit itinutuon ang pansin sa palab

