Wala silang kibuan ni Jacob habang magkatabi sa sasakyan. Kinain ng kanya-kanyang isipin ang bawat isa sa kanila. Si Jacob ay seryosong nakatuon lang sa kalsada ang pansin. Siya naman ay sa labas ng binatana nakatingin. Kanina habang magkaharap sila sa mesa ay napapansin niyang may gusto itong sabihin pero hindi magtuluy-tuloy. “Ano ang paborito niyang pagkain?” Si Jacob na rin ang bumasag ng nakakangilong katahimikan. “Marami. Hindi naman siya mapili, eh. Kahit gulay, okay sa kanya.” “Laruan?” “’Yong Teddy niya. Bigay ng Ninang Linette niya. Mahilig din siyang magkunwa-kunwariang tea party.” “Allergic ba siya?” “Hindi naman. She is a very healthy baby. Sinisigurado ko ‘yon habang ipinagbubuntis ko siya. Matalino rin siya. Nagmana siya sa’yo.” Katahimikan. Nakita niya kung paanong

