“Does she have an appointment?” Kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ni Jacob. “Does she need one?” balik-tanong ni Karen. Nagtataka sa agarang pagbabago ng mood niya. Simula nang magtungo sila sa Carrascal, ito ang unang beses na maghaharap silang muli ng babae. Babae. He found it hard to call her friend again. Nagkakalamat na ang samahan nilang pinanday sa loob ng maraming taon. Kaya naman, lahat ng pag-iwas ay ginawa niya kahit alam niyang hindi sa habang buhay na maiiwasan niya ito. Iisang mundo lang ang ginagalawan nila. Nasa iisang sirkulo ang mga kakilala. Samaniego is closely associated with the Ignacios. He decided to see her. Once and for all, this has to end. Naratnan niya si Megan na nakatayo sa harapan ng glass wall, nakatuon ang pansin sa matatayog na mga gusali sa la

