“Mr. and Mrs. Samaniego!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Klein nang sumalubong pagpasok nila sa boutique nito. “Oh, my! I’m so glad you paid me a visit again.” Maarteng umangkla ang bisig nito sa kanang bisig naman ni Jacob at tinampal ang masel nito sa braso. Nag-unahan sa pagkalansing ang mga maliliit na batong nakalaylay sa bracelet nito dahil sa ginawa. Makailang beses na ring si Klein ang umaasikaso sa mga damit na susuutin niya kapag dumadalo siya ng functions kaya naging malapit na rin ito sa kanya. “So, what are we here for?” Wala siyang kaide-ideya kung ano ang ginagawa nila ni Jacob rito. “Most probably, bibili ng damit pero hindi ko alam para saan?” Kanina matapos ang agahan ay napansin niyang tila walang balak na umalis si Jacob. Inutusan siyang magpalit ng panlaka

