“I love you.” Halos hindi na pakawalan si Aiah ni Jacob. Nasa garahe sila at inihahatid niya ito papasok ng opisina at panay ang halik at yakap nito sa kanya. Pang-ilang ‘I love you’ na ba ito? “Sige na, uy. Baka ma-late ka pa. Nakakahiya naman sa mga tauhan mo ‘no kung late kang dumating, absent ka na nga kahapon. Sabihin nila bulakbol ang amo nila.” Umalis siya sa pagkakayakap ni Jacob at inayos ang baunan nito sa upuan. Pero ang damuhog hindi pa talaga nakukuntento. Niyakap pa siya pagkatapos at isinandal sa kotse habang ibinakod ang mga braso sa katawan niya. “Pakawalan mo na kaya ako, Mr. Samaniego,” umakto siyang nagmamaktol pero sa totoo lang, nakikiliti siya, kinikilig ng todo. “Hindi na lang kaya ako papasok.” Inirapan niya ito. “At ano, ikukulong mo na naman ako sa kwarto?”

