Parang kailan lang. Ilang linggo na rin pala ang lumipas simula nang nagpakasal sila ni Jacob. And so she kept her promise to be a good wife to Jacob and fulfill her desire to take care of their home. Her temporary home. Hinayaan siya ni Jacob na baguhin ang anumang naisin niya. Pagsasabit ng kurtina, pag-aayos ng mga gamit at ang isa sa pinakalibangan niya ang punuin ng mga halaman ang bakuran nito. Tunay na maybahay ang pakiramdam niya. Ang masasabi niya lang, kuntento at masaya siya. "Ate, tama na ba ang hiwa nitong melon?" But her most favorite role to take is cooking for Jacob. Aaminin niya man o hindi, nagagalak ng lubos ang puso niya na pagsilbihan ito. "Oo, Nina. Cubed." Habang naglalabas ng mga kubyertos mula sa drawer ay manaka-naka niya itong sinusulyapan. OC siya pagdating

