May mga matang nakatutok sa kanya. Saktong naisarado niya ang takip ng oven nang siya ay lumingon. Jacob was leaning on the island counter. Nakatunghay at matamang nakatitig sa kanya. Malamlam ang mga mata nito. Parang may bahid ng lungkot. Lalapitan na sana niya ito nang senyasan siyang manatili sa kinatatayuan. Ito ang lumapit sa kanya at walang sabi-sabing niyapos ang katawan niya. “I’m gonna be away for two days.” “Two days? Ang tagal naman.” Sinamyo nito ang buhok niya, natural na ginagawa nito kapag niyayakap siya nito. “Kailangan kong asikasuhin ang problema sa minahan.” “So, kailan ang alis mo?” “ASAP.” Kanina lang ay plinano nilang umakyat ng Tagaytay pero sa Carrascal pala tutuloy ang asawa niya. “’Lika na, tulungan kitang mag-impake.” Magkaakbay silang umakyat sa itaas.

