Umuwi siya sa bahay na napuno ng mga isiping may kinalaman kina Tita Jocelle ang utak. Mentally, binabalangkas na niya ang tamang gagawin. “Ate, kanina pa tawag nang tawag si Kuya sa’yo. Hindi ka raw makontak kaya sa akin nagtatanong.” Nasapo niya ang kanyang ulo. Paano niya nagagawang kaligtaan ang phone? Natataranta niyang kinuha iyon mula sa bag at kinalikot. Naka-mute pala. Binuksan niya iyon at nagsipasukan ang mga messages. Ilang calls na nga ang 'di niya napapansin at may sunud-sunod pang text messages. Nasaan ka? Answer me, babe. Mahirap sagapin ang signal rito ngayon kaya sagutin mo na ako. Ilan lang sa mga mensahe ni Jacob. Naka-mute kasi ang setting kaya ‘di niya narinig. Kagat-labing kaagad niyang dinial ang numero ni Jacob. Pero nakailang dial na siya, walang sumasago

