“Kanina ka pa nakatitig sa buwan, ah.” Bahagyang tumilamsik ang lamang beer ng bote niya nang sikuhin siya ng katabing si Baxter. Natapon iyon sa suot niyang t-shirt. Ang pagsiko nito ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. “Baka mamaya sa kakatanglaw mo sa buwan ay mag-transform ka na sa pagiging wolf o bampira.” “Gago!” Nasa roofdeck sila ng kakagawa pa lang na sports gym ni Baxter. Bagong negosyo ito na pinasok ng kaibigan. Samakalawa ay opisyal nang magla-launch ito. Mula sa bar ay dito siya inaya ni Bax. Maganda raw dito sa gabi at totoong namangha naman siya. Nasa itaas na floor sa medyo elevated pang lugar ang naturang gym. Buong floor ay leased na ng may-ari sa kaibigan. “This is quite a great view.” Natatanaw sa baba ang magandang sites ng siyudad. The most stunning view is the sig

