Napalunok siya, pakiramdam niya’y mas lalo siyang nawalan ng hangin sa dibdib. Nakatingin siya kay Hendrick na halatang kabado rin, pero nanatiling composed. "Sino ‘yan?" tanong niya, mahina ang boses ngunit ramdam ang tensyon sa tinig niya. Tumingin si Hendrick sa screen ng phone at nanigas ang panga. "Walang pangalan, private number." Sumilip si Hendrick sa bintana ng kotse, tila may binabantayan sa madilim na kalsada. Hindi ito mapakali, kaya’t sinagot niya ang tawag. "Hello?" maingat nitong bati, habang hawak-hawak ang kamay niya. Walang sumagot agad, pero may naririnig silang mahinang hininga sa kabilang linya. Tila nag-iipon ng lakas ang tumatawag bago nagsalita. "Hendrick..." pabulong na tinig ang narinig nila, malamig at puno ng misteryo. "You should stop, or you’ll regret i

