Pagkamuhi at galit ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nang marinig niya ang totoo mula sa kanyang ama ay parang nagbago ang isip niya na kaawaan ito. Imbes na awa ang maramdaman niya ay pulos galit ang nag-uumapaw sa puso niya. Gusto niya itong sumbatan kaso ay hindi niya magawa. “Anak,.... Mauve…” mahinang tawag nito sa pangalan niya. Tumitig siya ng mariin rito. “Huwag niyo akong matawag-tawag na anak dahil kahit kailan hindi niyo ako itinuring na anak. Kahit kailang hindi niyosa akin ipinaramdam na anak niyo ako, na mahalaga ako, na kamahal-mahal ako bilang tao!” Lumapit si Hendrick para haluin siya. Hinawakan nito ang kamay niyang nakakuyom dahil sa galit. “Patawarin mo ako, anak. Sana mapatawad mo ako.” nanginginig ang boses ng kanyang Papa. “Dahil sa nalaman ko, hindi

