NAGISING ako dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat... napaupo ako habang hinahaplos ko ang aking braso... napansin ko na nakabukas pala ang aircon kaya pala nilalamig ako Tumingin ako sa orasan ni marikit at nagulat ako na gabi na pala at tatlong oras na pala akong natutulog... napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon at nakita ko si marikit na pumasok.. "Sarap ng tulog mo ahh" bungad niya sakun habang nakataas ang kilay niya.. napanguso naman akong napakamot sa ulo.. "Napuyat kasi ako kagabi e... kakanuod ng k-drama" pagdadahilan ko dito.. napairap naman ito sakin... "So kasalanan ko ganun?" Mataray niyang tanong... "Sinabi ko bang kasalanan mo?" Balik kong usal dito... sinamaan naman niya akong tingin kaya nagpeace sign ako dito.. "Kill joy mo talaga bakekang kaya wala kapang

