KINABUKASAN tuluyan ng nawala ang lagnat ko... Sinigurado muna ni lincon na mawawala ang lagnat ko bago siya aalis... Bago umalis kahapon sa bahay si lincon ay nagpaalam muna siya kay papa at mama na luluwas siya ng manila para ayusin ang problema nito roon... At ngayon nga ay malungkot akong nakatingin sakaniya habang siya ay inaayos ang mga gamit niya papasok sa sinasakyan nilang kotse ni william... Akala ko maiiwan si william dito pero ngayon ko lang nalaman na sasama rin siya kay lincon... Nang maayos niya ang mga gamit ay malungkot siyang yumakap sakin ng mahigpit na tinugunan ko rin ng mahigpit na yakap... Kahit na kakakilala palang namin ay nasanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko... Kahit hindi pa siya umaalis ay mami miss ko nasiya... Mamimiss ko ang yakap niya, halik niya at p

