DAHLIA'S POV ❦❦❦ Sumubo ako ng mainit-init pang tinapay na bili namin sa isang tindahan dito sa bayan, kasama kong naglalakad si Keegan habang si Troian at Heneral Cerberus naman ay kausap pa rin ang haring Basil at nagpupulong kung anong ipapatong na parusa sa mga lumabag sa kaharian. Saglit akong napalingon doon sa bahay-panuluyan na una naming na puntahan, ngayon ay katakot-takot na sermon at pagmamalupit ang ginagawa sa kaniya ng hring Troian habang si heneral Cerberus naman ay kinausap ang bahay na kaniyang panandalian na natuloyan, napamahal na sa kaniya ang mga bata sa maikling panahon niyang paglagi doon kaya naman nakokonsensya ang heneral na hindi ito makausap o iwan na lang ng hindi man lang nalalaman ang katotoohanan. Si Larah naman ay naghahanda pa rin sa gagawin naming mg

