❦❦❦ Binalot nang katahimikan ang buong lugar habang iniintay ang hudyat ng hukom upang umpisahan ang labanan na gaganpin sa pagitan nila Larah at Drakus. Natahimik ang lahat sa takot nang malaman nilang prinsesa ng Ophidian Kingdom ang kaharap ng kanilang prinsepe. Samantalang sila Dahlia at iba pa niyang kasama ay hindi makapaniwala sa inakto ni Larah, ang alam lang nila ay magaling ito sa medisina at matalino pagdating sa mahika ngunit hindi nila maisip kung magaling ba ito sa pakikipaglaban na ng dulot sa kanila ng kaba at pag-aalala. "Kabadong kabado ka eh kanina ang lakas ng loob mo sumugod doon? Wag kang kabahan kay Larah, kabahan ka sa ssusunod na kalaban mo," sabi ni Keegan at inagaw ang kamoteng hawak ni Dahlia na kinagulat niya. "Huy kay Larah 'yan!" sigaw nito sa binata ngu

