DAHLIA'S POV ❦❦❦ Hindi ako makatingin nang diretsyo sa mga mata niya habang nag-aayos siya ng kaniyang susuotin para sa gaganapin na palaro mamayang gabi sa vampire kingdom, bakit ba kasi rito pa siya nagbibihis sa kwarto ko? Hindi ba makakahalata ang haring Cassius kung ganito ang kinikilos niya? "Hoy, bakit ba ilag na ilag ka sa'kin?" tanong niya at naglakad papalapit sa'kin sabay pamewang sa harapan ko, tignan mo ang haring ito ang lakas mang-asar porque mas matangkad na siya sa'kin ngayon. "Ha? Pinagsasabi mo? Naninibago lang ako sa itsura mo," iwas ko ng tingin sa kaniya sabay tayo at harap sa labas ng bintana ng kwartong ito. "Naninibago ka? Eh ikaw ang dahilan ng pagbabago ko? hindi mo ba natatandaan 'yung nangyari kagabi?" tanong niya at pinanlakihan ko siya ng mata na kinata

