TROIAN's POV ❦❦❦ Habang umiihip ang malakas na hangin na nagdadala ng kakaunting abo at usok na galing sa mga kabahayan na nasunog dulot ng labanan ay patuloy lang akong nakatayo sa kaniyang harapan. Bitbit ang lalagyan ng kaniyang mga palaso at ang mismong pana niya, nakatingin ako sa lupang bagong hukay pa at may nakapatong na iilang bato sa ibabaw nito. Inilapag ko sa harapan niya ang kaniyang mga gamit pati na rin ang bago kong pitas na bulaklak sa hardin ng kaharian, malalim akong nagbuntong hininga dahil ito na naman ang puso ko, humihiyaw sa sakit nang kawalan ko. Tinakpan ko ang aking mata at tumingala, nagpipigil na muling lumuha at iniinda ang sakit ng aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha. Bakit mo ko agad iniwan at binigyan ng ganito kalaking responsibilidad? Aanhin

