Chapter 20

1017 Words

“WHAT are you doing?!” galit na tanong ni Gabriel. Tili lamang ng tili si Malicia habang tinatakpan ang mukha at pinagsisipa ang mga paa. Hinila siya ni Gabriel sa braso at agad na itinayo. Awtomatiko namang pumulupot ang mga braso niya sa katawan ng lalaki at inangkla niya pa ang mga paa sa baywang nito. “Let go!” mariing utos nito. Ngunit mas lalo pa niyang isinubsob ang mukha sa leeg ng lalaki habang sunod-sunod na umiiling at impit na tumitili. “I said let go!” Sinusubukan nitong ibaba siya ngunit nag-lock na ang mga braso at mga paa ni Malicia sa sobrang takot. Namumula ang mukha sa galit at mabibigat ang mga hakbang na tinungo ni Gabriel ang swimming pool habang buhat-buhat pa rin ang dalaga. And without warning, biglang tumalon sa malalim na bahagi ng pool si Gabriel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD