Kabanata 23 2/3 --- THIRD PERSON “Imbitado ba tayo sa party?” Tanong ni Bullet na kasalukuyang naglilinis ng mga baril. Nasa iisang mesa silang siyam, nakaharap sa mga nakalatag na baril at iba't ibang uri ng kutsilyo. “Si Light lang ang imbitado, tutal empleyado naman siya do'n,” Sagot ni Sam na ngayon ay katabi ang kaibigan na si Light. Light just shrugged and continue wipping the daggers. Nag-iisip siya kung paano maiiligtas ang binabantayan niya. “Mag ga-gate crush nalang tayo,” Tracer roam his eyes to his friends. “Ano? Ayos ba?” He grinned. Binatukan siya ng katabing si Bullet. “Gago! Gusto mo bang mahuli? Alam mo naman ang seguridad do'n, segurista kasi ang may-ari,” Ani Bullet. Sesegunda na sana si Tracer ng pumasok sa silid ang boss nila. May dala itong malaking plastik

