Kabanata 27 --- NATHALIA NAMAMANGHA pa rin ako sa ganda ng bahay. Hindi ako makapaniwala na dito na ako titira. All my life I've been living in a simple and rent house. Ngayon, may sariling bahay at lupa na. This is not what I wish for, ang gusto ko lang naman ay mahanap at makasama ang mga pamilya ko. This way beyond to much from what I've expected! Inilibot ko muli ang aking paningin sa sariling kwarto. Halos kulay brown ang buong lugar at kagamitan. Maging ang mga unan at comforter sa higaan ko ay kulay brown. May sariling balconahe at banyo sa loob. Mas dumoble ang laki ng kwartong ito kaysa sa kwarto ko sa apartment. “Mimi, Are we really living here for good?” Napabaling ang tingin ko sa aking anak na ngayon ay nakaupo sa kama. Nakanguso ito habang ipinapalibot ang tingin sa buo

