Kabanata 5 --- THIRD PERSON ISANG MALAWAK na lupain ang nakapalibot sa matayog na mansyon ng apat na magkakapatid. Hile-hilerang mga puno ang nagmimistulang bakod sa buong lugar. May malawak rin na swimming pool sa likod at may malawak na garden sa harapan. Ito ang Resendencia Amoree kung saan exclusibo silang naninirahan. Walang basta-bastang makakapasok sa lugar na ito. Maliban na lamang sa mga kakilala at mga trabahante dito. Sa labas pa lamang ng mansyon, nagkalat na ang mga purong nakaitim na mga kalalakihan na siyang mga tauhan nila. Sa loob naman ay nakahilera ang mga butlers at maid sa magkabilang banda ng mahabang hagdanan. Kakitaan talaga ng aking yaman ang mga ito. Sa mga naglalakihang chandeliers palang na nakasabit sa mismong entrada ng malaking hagdanan, mga babasaging

