SHB40

1617 Words

Makalipas ang kalahating oras simula nang makaalis ang kanyang kapatid ay pasilip silip na siya sa labas. Wala paman ding dalang cellphone si Patrick dahil iniwan nito sa kanya ang cellphone nito. Kinakabahan man ay pinilit niyang magpakahinahon at baka manganak siya ng wala sa oras. Umakyat siya sa silid nila at naglock ng pinto, madidinig naman niya kung may darating at kung may kakatok. Naglaro nalang siya ng kanyang cellphone para malibang siya, naka silent para oras na may masamang loob ay di iisipin na may tao sa loob ng bahay. May aso naman sila na nakatali sa gilid ng bahay at sa silong kaya alam na niya kaagad kung may parating. Narinig niyang kumahol ang aso nila, alam niyang may dumating na tao pero alam niyang di iyon ang katipan. Basta naririnig niya lang na sinasaway nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD