Dinaig niya pa ang may private nurse sa ginagawa ng lalaki sa kanya, kulang nalang ay buhatin siya nito kung di lang siya nag reklamo na nahihilo na siya sa buhat nito. Mukhang tunay nga ang ipinapakitang concern ng pamilya ng lalaki sa kanya. Halos wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi ang magpaalaga sa mga kasama niya, mula sa Mama niya hanggang sa lalaki na todo ang assist sa kanya. "Sheen, uuwe na muna ako sa bahay at walang kasama ang mga kapatid mo doon. Puro pa naman babae pero babalik naman ako anak, ibibilin ko lang sila sa Tita mo." Sabi ng Mama niya. Kahit naman siya ay nag aalala pag di nakauwe sa bahay nila ang Mama nila, dahil wala naman silang makakasama na matanda sa bahay. Alam niyang nag aalinlangan din ang Mama niya na iwanan siya lalo at kagagaling niya lang sa hos

