Wala na siyang inaksaya pang oras, halos pabalibag na niyang isinara ang pinto ng kanyang sasakyan at mula sa kanyang kinaroroonan ay dinig na dinig na niya ang malakas na sigawan sa loob. May mga dumating na tanod at mga opisyal ng barangay. "Sir Patrick mabuti at dumating na kayo! Hinimatay po si Ma'am Sheena!" Salubong sa kanya ng kasambahay nila. Doon para siyang tinakasan ng kaluluwa lalo na pagka akyat niya ay nakita niya pa na akmang sasampalin ng byenan niya si Shanna. Malakas na sinugod niya ng suntok ang byenan niya, kalong ni Sherly ang ulo ng kanyang asawa na halatang wala nang malay tao. "Napakahayop nyong uri ng Ama!" Sigaw niya na pilit pinipigilan na wag na uli sugorin ang matanda. Baka mapatay niya kaai ito ng mga sandaling iyon, pumasok na din ang mga taga Barangay.

