Parang nanghihina siya nang makaalis ang babae, ang daming sinabi pero isa lang ang malinaw sa kanya ng mga oras na iyon, kasabay niya ito nang magahasa nang gabing iyon. Pero bakit ngayon lang ito lumabas? Ni minsan ay di niya nakitaan na may iba na nakakasama ang asawa. Syempre maliban noong di pa sila mag asawa. Sa pera na mayron ang asawa niya ay tiyak niyang kahit sino ay pwedeng gumawa ng kwento para lang makapang huthot. Di niya alam kung ano ang kanyang dapat na isipin ng mga oras na iyon. Gulong gulo na siya, nakakabaliw ang pagdami ng mga tanong sa kanyang isipan. "Bago ka mag isip ng kung ano ano tungkol sa asawa mo, ang mabuti pa ay pauwiin na natin agad siya. Kalma kalang muna." Sabi ni Shanna na halatang di naniniwala sa babae. "Paano kung nagsasabi siya ng totoo?" Nag

