Chapter 24 After three years -Maxwell- Lulan ako ngayon ng aking sasakyan pauwi sa aming bahay, tatlong taon na rin ang nakakaraan pero mag-asawa pa rin kami ni Beatrice. Wala pa rin nagbabago sa pakikitungo ko dito, dahil wala ring pagbabago ano man ang meron kaming dalawa. Naging maasikaso naman ito sa akin, at nakikita kong ginagampanan nito ang magiging asawa sa akin. Pero hanggang ngayon ay hindi ko hinahayaan na may mang-yari sa aming dalawa, alam kong kung minsan ay sinusubukan nitong lasingin ako para lang may mangyari sa aming dalawa, pero nagagawa ko parin itong baliwalain at iwan ng hindi ko ito tinitignan man lang. Halos isang taon akong naka comatose dahil sa pagbaril sa akin sa aking dib-dib, ang sabi ni Mommy muntik na akong hindi makaligtas kung sakaling may tinamaan

