Chapter 29 -Ella Mhay- Sa bagong pasok ng taon ay nagkaroon din ng maraming pagbabago sa buhay ko. Mula ng dumating sa buhay ko si Gift ay nakita ko lalo kung gaano kaganda ang mundo, at namulat ako sa katotohanan na ang buhay ng isang tao ay hindi madali dahil puno ito ng paghihirap at pagdurusa. Kaya naman hindi ko binigo ang lahat ng taong umaasa at naniniwala sa kakayahan ko. Nag-aral ko ng medisina at tinupad ko ang parangarap kong maging isang doctor ng mga bata. At sa nagdaang taon kasama ang paniniwala sa aking sarili ay napagtagunpayan ko na maabot ang pangarap na meron ako ngayon. Sa ngayon ay isa na rin akong doctor isang ay marami-rami na rin ang naipapanganak ko sa mundo. Sa pakiramdam ko isa magulang ako ng lahat ng batang inilalabas ko sa mundo, walang pagsidlan ng tuw

