Chapter 36 -Maxwell- Mahigit sa anim na oras din ang inabot ng operation ni Ella, tulog pa ito ngayon pero ang sabi naman ng mga doctor nito ay magigising na rin ito pagkaraan ng ilang oras pa. Hindi ako umalis sa tabi nito hangang sa magising ito. Gusto kong ako ang una nitong makikita kapag nagising na ito pero alam kong hindi naman nito ikakatuwa ang makita ko dahil sa nakikita ko sa mata nito ang matinding galit na meron ito. Pero tulad nga ng sabi ko ay hindi ko ito susukuan at ipapakita ko ito ang aking pagmamahal para naman mapatawad na ako nito dahil sa hindi ko kakayanin kung mawawala ito sa buhay ko. Hanggang sa sumapit na ang araw na gising na ito at kailangan ng tanggalin ang bend anito sa kanyang mukha, kompleto kami sa loob ng kuwarto nito. Maging sina Carol at Milo na

