Chapter 9 -Ella Mhay- Narito ako ngayon sa canteen at kumain ng tumabi sa akin si Milo ang kaibigan kong may kasalanan ng lahat at kung bakit naging boyfriend ko ngayon si Maxwell. Dahil sa kalandian nito ay nabuking ang pagpapanggap namin. Tinignan ko ito ng masama at saka tahimik naman itong naupo sa tabi ko. "Siss, sorry na hindi ko naman alam na pupunta ang papabols mo at makikita kami ng bagong konv afam." Sagot nito pero sa mahina at halos bulang na nito sa akin. Marami kasing tao sa canteen kaya ayaw nitong lakasan ang pagkakasabi nito. Wala kasing nakakaalam dito na isa siyang sirena kaya todo ingat ang loka. Nakatingin lang ito sa akin, at kung titignan ay mapagkakamalan talaga kaming may relasyon dahil sa pagiging madikit nito sa akin. Kung hindi ko lang talaga ang totoong d

