Chapter 20 -Ella Mhay- Pagkagaling namin sa hotel kung san ginanap ang kasal nila Maxwell at Beatrice. Umuwi na ako para ipagpatuloy ang pag-iimpaki ng aming mga damit. Ngayon na rin kami aalis dahil hindi ko kayang makita pa si Maxwell sa piling ng ibang babae. Alam kong tuluyan na akong nawalan ng karapatan dito, kasal na ito ngayon sa babaeng kanyang mahal at hindi ako yon. Masakit man pero kailangan ko iyong tanggapin. Isa pa wala kong laban kay Beatrice, mayaman at maganda ito. At nalaman ko rin gusto ito ng kanyang mga magulang kaya naman pipilitin kong maging maayos ang lahat sa akin, dahil hindi ako pwdeng sumuko mero akong isang angel na parating kaya naman magsusumikap ako para maibigay ko dito ang pagmamahal na nararapat dito. Pinagmamasdan ko ang buong kuwarto at naluluha a

